Jamyralheirenz Collection

Jamyralheirenz Collection

Share

Tintalata - YouTube 17/10/2022

Minsan, ayos lang din ang maantala at mahuli.
Hindi naman paunahan ang buhay at hindi rin naman kailangang magmadali.
Ang mahalaga ay kung paano ka nabuhay sa bawat sandali—
Kung paano mo paulit-ulit na pinili ang magpatuloy para sa iba at para sa'yong sarili.

Magkakaiba naman ang landas na tinatahak ng bawat tao.
Kung kaya't hindi kailangang ikumpara ang sa'yo.
Sa mundong ito, walang malas o swerte—
Lahat ay bunga ng pagsusumikap at pagpupursige.

Sige lang, kahit dahan-dahan.
Pahalagahan lahat ng mga pinagdaanan—
Sigurado man o hindi, usad lang.
Makarararating din naman sa paroroonan.

Ayos lang maantala at mahuli,
Basta't magpatuloy pa rin kahit hindi madali.
Wala namang imposible—
Sa taong may puso na pursigidong magwagi.

Tintalata - YouTube Kultura at Literatura

07/10/2022
Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Telephone

Address

Santa Rosa