Mrs. Dimapasok
08/12/2025
Walang Batang 90’s–2000s ang makakalimot sa Sexbomb Girls!
Kahit ilang taon na ang lumipas, every time we see the Sexbomb Girls trending again, parang instant time machine. Isang patunay na hinding-hindi sila nakalimutan. Yung feeling na bigla kang binalik sa kabataan mo, yung panahon na ang problema mo lang ay kung ma-memorize mo ba yung steps ng “Spaghetti” bago pumasok sa school.
Today’s generation may be discovering them for the first time, pero tayo, na tunay na batang pinalaki ng Sexbomb, alam natin kung gaano kalaki ang naging impact nila sa buhay natin.
From being segment dancers sa Eat Bulaga, hanggang sa pagsabog ng Sexbomb Unang Putok with Bakit Papa. Tapos biglang buong Pilipinas sumasayaw ng Spaghetti—from classrooms, intermission numbers, school programs, barangay fiestas… lahat napasayaw nila! At dahil sa sobrang demand, sunod-sunod ang albums—Sexbomb Thr3at, Sumayaw Sumunod, at ang compilation albums na lahat nag-Multiple Platinum. Hindi biro yun. Girl group era before girl groups were a thing.
Pero hindi lang sila singer-dancer performers. Pinatunayan din nila na kaya nilang magdala ng kuwento sa TV. Daisy Siete with 26 seasons. Dalawampu’t anim! At hindi lang siya typical drama, Ito yung show na nagpakita ng inclusivity long before it became a mainstream conversation, Uling-Uling, Tabachingching, Vaklushi… mga karakter na nagbigay-boses sa mga hindi madalas mabigyan ng spotlight noon.
At sino bang hindi naka-relate sa struggle noon? Yung oras na pinapalabas ang Daisy Siete tapos kailangan mo nang pumasok sa afternoon class. Yung nakakainis pero nakakatawang dilemma kung magpapalate ka ba o hindi, at aminin, minsan mas pinili pa nating unahin ang Daisy Siete kaysa minor subject.
Kung tutuusin, grabe ang influence ng Sexbomb sa atin na lumaki sa era nila. Hindi lang dance steps, hindi lang LSS, hindi lang posters sa notebooks. They shaped our confidence, our energy, our resilience. Kaya siguro ngayon, habang humaharap tayo sa mas malalaking responsibilidad at mas magandang career, dala pa rin natin yung tapang, yung aura, at yung perseverance na nakita natin sa kanila.
Kasi tayong mga "Pinalaki ng Sexbomb” hanggang ngayon, Laban lang. Sumayaw, Sumunod. Tuloy ang buhay. Get Get Aw!
Lagi Kang pa victim pero mukha Kang suspect🙄🤣
Click here to claim your Sponsored Listing.