PNP ACG Regional Anti-Cybercrime Unit 1
07/05/2026
PNP RUMESPONDE SA LALAKING HINIMATAY SA BAGUIO OVERPASS
Isang mabilis na pagtugon ang nagligtas sa isang lalaking biglang nawalan ng malay sa gitna ng mataong overpass sa Baguio City noong Mayo 5, 2026.
Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., muling naipakita ng kapulisan ang kanilang agarang aksyon at malasakit sa oras ng pangangailangan.
Dalawang pulis mula sa Baguio City Police Office – Police Station 7 ang agad rumesponde matapos maalerto ng isang concerned citizen na may lalaking biglang bumagsak at nawalan ng malay habang nasa overpass. Ang mga ito ay sina PCpl Judemae M. Cortes at Pat Justine B. Cario.
Agad na nagtungo sa lugar ang dalawang pulis at hindi nag-aksaya ng oras upang lapitan at tulungan ang biktima. Sa kanilang mahinahong pagresponde, isinagawa nila ang paunang lunas upang ma-stabilize ang kondisyon ng lalaki habang hinihintay ang pagdating ng Emergency Medical Services (EMS). Nanatili sila sa lugar hanggang sa ligtas na maipasa ang biktima sa mga medical responder.
Ang ganitong agarang aksyon ay patunay ng patuloy na pagsasabuhay ng PNP Focused Agenda—a blueprint of transformation designed to make police service mas tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Sa insidenteng ito, naipakita ang Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support sa mabilis na pagresponde at pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa publiko.
Pahayag ni PNP Chief PGEN Nartatez: “The police must always be ready to respond when lives are at stake. Every second matters in saving lives. Handa po ang pulisya na umalalay at rumesponde agad sa mga nangangailangan ng tulong.”
“We serve not only with duty, but with compassion for every Filipino in need.
Nandito ang pulis para tumulong sa oras ng pangangailangan,” dagdag pa niya.
Sa patuloy na pagtupad ng tungkulin ng kapulisan sa gitna ng mga hindi inaasahang pangyayari, muling pinatutunayan ng PNP ang kanilang malasakit at matibay na dedikasyon sa paglilingkod sa publiko, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
(PNP-PIO)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Camp Diego Silang, Carlatan
San Fernando
2500