Nics Aquatics
22/05/2026
Ang betta fish ay isa sa pinaka-popular na aquarium fish dahil makulay sila, matalino, at may kakaibang personality. Kilala rin sila bilang “Siamese Fighting Fish” dahil sobrang territorial ng mga male betta at madalas silang mag-away. Ang betta fish ay nagmula sa Southeast Asia, lalo na sa: Thailand, Cambodia, Vietnam, Laos. Sa wild, madalas silang makita sa: rice fields, mababaw na ponds, slow-moving waters, marshes o latian. Dahil dito, sanay ang betta sa kalmado at mainit-init na tubig.
Bakit hindi na kailangan ng aerator/air pump o yung tinatawag ng iba na oxygen? Dahil May espesyal na organ ang betta na tinatawag na labyrinth organ. Dahil dito, kaya nilang huminga mula sa tubig at direkta mula sa hangin. Kaya madalas mo silang makitang umaakyat sa surface. Kahit kaya nilang huminga ng hangin, kailangan pa rin nila ng malinis na tubig at tamang pag-aalaga. Hindi sila dapat ilagay habang-buhay sa maliit at maruming lalagyan.
Carnivore ang betta fish, magagandang pagkain: betta pellets, frozen bloodworms, brine shrimp, daphnia. 1–2 beses bawat araw, maliit na amount lang, Delikado ang overfeeding. Pwede itong magdulot ng: bloating, constipation, maduming tubig. At alam niyo ba na ang tiyan ng betta ay halos kasing laki lang ng mata nito 👀
Male vs Female
Male Betta
-mas makulay
-mahahaba ang fins
-mas aggressive
-kadalasang solo lang
Female Betta
-mas maiikling fins
-less aggressive
-minsan pwedeng group setup kung maayos ang tank
Paalala: Huwag pagsamahin ang dalawang male betta sa iisang tank.
Fun Facts Tungkol sa Betta
- Natutulog at nagpapahinga ang betta sa mga dahon
- Gumagawa sila ng bubble nests kapag masaya o ready mag-breed
- Bawat betta ay may unique na personality
- May mga rare betta na sobrang mahal depende sa kulay at tail type
- Malaki ang kaibahan ng wild bettas sa fancy bettas na nasa pet stores
Ano pang inaantay mo? Mag alaga kna rin ng betta fish.
Hindi ako tinangal ni Boss Amo. Mukhang nagustuhan ang pag aalaga ko sa mga isda nya. Hahaha 🤣
11/05/2026
Post ko daw sabe ng amo ko. Baka may magustuhan kayo. Ang mumura na nyan mga idol.
Comment lang sa pic or message Nics Aquatics para makuha mo na ❤️
Price starts at 75 pesos
Sunday, mabilisang 100% water change ng betta fish ng aking oma. Sa susunod pakita ko kung paano ako mag palit ng tubig.
Wall Logo ni Oma
05/05/2026
Thanks, boss Austin! 🐟
05/05/2026
Kahapon prito, ngayon mukhang sinabawan naman ah. 🐟🍲
Kidding aside, may problem dito. Imibistigihan natin kung anong dahilan ng pagkalunod.
04/05/2026
Iba't ibang uri ng betta tails
1. Veiltail (VT) - Mahaba at pababang parang belo o kurtina, Hindi pantay ang buntot (mas mahaba sa baba)
2. Crowntail (CT) - Parang may “spikes” o tinik sa dulo. Hindi buo ang fins—may pagitan kaya mukhang korona. Medyo aggressive-looking pero very popular
3. Halfmoon (HM) - Bumubuka ng 180° (parang kalahating bilog). Kapag naka-flare, sobrang lapad at bilog ng buntot. Isa sa pinaka-magandang display type
4. Delta Tail - Triangle shape. Hindi full 180° tulad ng Halfmoon, pero malapad pa rin. Subtypes: Super Delta (mas malapad kaysa normal Delta)
5. Plakat (PK) - Maiksi ang buntot. Mas kahawig ng wild betta.
Vibe: Mukhang fighter type, mabilis at active
6. Double Tail (DT) - Dalawang buntot (split sa gitna). Mas malapad din ang dorsal fin (upper fin)
7. Rosetail / Feathertail - Sobrang ruffled o parang petals ng bulaklak. Overlapping ang fins kaya very fancy. Minsan prone sa fin damage dahil sobrang bigat ng fins.
8. Dumbo / Elephant Ear
Itsura: Malalaki ang pectoral fins (parang tenga ng elepante)
9. Combtail - Between Veiltail at Crowntail. May konting spikes pero hindi full crown
Ikaw kung pipili ka sa mga tail types, ano pipiliin mo?
04/05/2026
Boss, good news nakapag water change na ako at nakapag pakain ng mga isda. Badnews, merong nalunod.😩
Sakto nag iisip pa naman ako ng ulam. Kaltas ba to sa sahod ko boss? 😂
03/05/2026
Betta (Siamese fighting fish)
Ang betta fish, o kilala rin bilang Siamese fighting fish, ay isang freshwater fish na nagmula sa Thailand at karatig na bansa sa Southeast Asia. Kilala sila sa kanilang makukulay na katawan at mahahabang palikpik, pati na rin sa pagiging territorial lalo na sa kapwa betta.
Kung may natipuhan ka, PM mo lang kami.
Happy fish keeping
Ineeeeet! 🥵Sarap maging isda muna 🐟😂
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
1860
Opening Hours
| Monday | 8am - 8pm |
| Tuesday | 8am - 8pm |
| Wednesday | 8am - 8pm |
| Thursday | 8am - 8pm |
| Friday | 8am - 8pm |
| Saturday | 8am - 8pm |
| Sunday | 8am - 8pm |