ECHO
23/06/2026
|| QCAFI, opisyal nang binuksan ang taong panuruan 2026–2027: Alituntunin at Gabay Inilatag sa Oryentasyon
Opisyal nang binuksan ng Quezon City Academy Foundation, Inc. (QCAFI) ang taong panuran 2026–2027 sa pamamagitan ng ‘back-to-school orientation’ na ginanap ngayong araw sa QCA Roofdeck, Hunyo 22, 2026, upang bigyang linaw ang ilan sa mga alituntunin at gabay ng mga estudyante sa buong taon.
Pinangunahan ng QCAFI Principal Bb. Merlyn M. Eligio ang pagbukas ng programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilan sa mga alituntuning dapat malaman ng mga estudyante.
Isa-isang tinalakay naman ng mga g**o ang mahahalagang patakaran ng paaralan, kabilang dito ang tamang pagpasok sa klase, pagsusuot ng uniporme, sistema ng pagbibigay ng grado, at tamang asal sa loob at labas ng paaralan.
Pinaalala at binalikan ni G. Toring, g**o sa Ingles, ang misyon, bisyon, at mga pangunahing halaga ng QCAFI: ang integridad, katatagan, at disiplina–ang mga ito ang gagabay sa mga mag-aaral hindi lang sa pag-aaral kundi pati sa paghubog ng kanilang pagkatao.
Binigyang-diin naman ni Bb. Manansala, g**o ng AP at ESP, ang kahalagahan ng pagiging maagap at araw-araw na pagpasok at pinaalala niya na bahagi ng pagiging responsableng QCAian ang hindi pagiging huli sa klase.
Ipinaliwanag din ni Gng. Dimaano, Tagapag-ugnay ng ika-10 na baitang, ang tamang ayos at uniporme.
Kabilang dito ang regular na uniporme para sa Junior at Senior High School, military uniform, PE uniform, at ang mga patakaran tungkol sa ID, tamang gupit para sa mga lalaki, tamang ayos ng buhok para sa mga babae, at pagbabawal sa alahas at makeup.
Pagdating sa akademiko, tinalakay ni Gng. Leongson, tagapangasiwa sa asignaturang Filipino, ang mga patakarang pang-akademiko at ang mga parangal na maaaring makuha sa katapusan ng taon, pinakita naman ni Bb. Famarin, tagapangasiwa sa asignaturang Sipnayan , kung paano kinukuwenta ang mga grado ng mga estudyante.
Pinangunahan naman ni G. Facal, g**o ng TLE, ang usapin sa tamang paggamit ng artificial intelligence sa pang-araw-araw na buhay.
Samantala, inilahad ng masusi ni G. Magara, tagapangasiwa ng ECHO, ang Child Protection Policy ng paaralan bilang magsisilbing gabay ng mga mag-aaral upang maiwasan ang ibat-ibang klase ng pang-aabuso sa loob at labas ng paaralan Binigyang-diin niya ang pangako ng QCAFI na panatilihing ligtas at protektado ang bawat mag-aaral.
Nagtapos ang oryentasyon sa paalala na ang malinaw na mga patakaran ay isa sa mga susi upang magkaroon ng maayos at matagumpay na taong panuruan para sa lahat ng QCAian.
21/06/2026
👔💙HAPPY FATHER'S DAY! 💙👔
Today, we celebrate all fathers, grandfathers, guardians, and father figures who guide, support, and inspire our learners every day. Your love, dedication, and sacrifices help shape the future of our children and our community.
Thank you for being a source of strength, wisdom, and encouragement. May your day be filled with love, joy, and appreciation from those whose lives you touch.
From every hearts of QCAians, Happy Father's Day! 💙
19/06/2026
18/06/2026
|| OPENING OF CLASSES REMINDER | June 22, 2026
Welcome back, QCAians! Let's make School Year 2026–2027 a successful and memorable one.
As we officially welcome the opening of classes on June 22, 2026, please take note of the following reminders. Let us begin the new school year with enthusiasm, discipline, and a positive attitude toward learning. We look forward to seeing you all on the first day of classes!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
1144 Epifanio Delos Santos Avenue
Quezon City
--SELECT--
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
| Saturday | 9am - 5pm |
| Sunday | 9am - 5pm |