VAMR YOUTH
22/10/2025
π±βPeaceful Rally: Panawagan para sa pangangalaga ng kalikasan laban sa pagmimina at pagpapatupad ng 50 years mining moratorium.
Noong Setyembre 12, 2025, nagsama-sama ang iba't ibang sektor ng bayan ng Narraβmga magsasaka, katutubo, kababaihan, simbahan, senior citizens, at kabataanβupang ipahayag ang kanilang mariing pagtutol sa planong pag eksplora ng Redmont Mining Company. Sa pamamagitan ng isang Peaceful Rally at signature campaign, ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang pagtutol sa pagpasa ng ordinansa ng Sangguniang Bayan na nagbubukas sa pinto ng eksplorasyon sa kanilang bayan.
Mula Rizal Park patungong Legislative Office, pinangunahan ng kabataan ang martsa dala ang mga plakard at sigaw ng:
βKabataan ang pag-asa ng bayan! Anong sigaw ng kabataan? IPAMANA, HUWAG IPAMINA!β
Sa harap ng Legislative Office, nagsalita ang mga kinatawan ng bawat sektor upang ipanawagan ang 50 years mining moratorium at ang pangangalaga sa kalikasanβdahil alam nating lahat, kapag nasira ang kalikasan, kasama ring nawawala ang kabuhayan.
β Ipaglaban natin ang ating lupa, tubig, at kinabukasan! Suportahan ang panawagan para sa 50 taong moratorium sa pagmimina sa Narra!
π’ Ibahagi ang mensaheng ito. Makiisa. Magsalita. Kumilos para sa kalikasan!
πΈ VAMR YOUTH Photography Training
| May 25-26, 2025
Isang makabuluhang karanasan na naman para sa mga kabataan ang naganap sa Villa Esperanza, Quezon, Palawan kung saan natutunan nila ang responsibilidad at sining ng pagkuha ng litratoβhindi lang gamit ang kamera, kundi gamit din ang puso. Ang gawain ay naisakatuparan sa tulong din ng Forest Foundation Philippines, ELAC, ideas, at NTFP-EP Phils.
Sa loob ng dalawang araw, kanilang natutunan ang tamang komposisyon, ang kahalagahan ng emosyon, at ang kapangyarihan ng bawat kuwentong dala ng isang larawan.
Sa bawat klik ng kamera, may kwento. Sa bawat larawan, may damdamin.
21/02/2025
Ang Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ay nagsagawa ng isang committee hearing kaugnay ng panukalang Mining Moratorium upang patuloy na mapangalagaan at mabigyqn ng kaunying espasyo at pahinga ang kagubatan sa lalawigan. πΏ Bilang tinaguriang "Last Frontier," nanganganib ang Palawan dahil sa patuloy na operasyon ng mga minahan. Isa pang dahilan ng panukalang ito ay ang lumalalang epekto ng pagbabago ng klima, na kamakailan lamang ay nagdulot ng matinding pagbaha sa Timog na bahagi ng PalawanπβοΈ
Kaugnay nito ay BUONG PUSO NAMANG SINUSUPORTAHAN NG VAMR YOUTH ANG PANUKALANG 25 YEARS MINING MORATORIUM, dahil bilang katutubong pamayanan, malalim ang aming koneksyon sa mayabong na kagubatan na bahagi ng aming kultura at tradisyon. π±β¨ Kaya't NANANAWAGAN ANG VAMR YOUTH sa bawat indibidwal ma suportahan din ang panukala at nanawagan din sa pamahalaang panlalawigan na APRUBAHAN ANG ORDINANSA para sa kapakanan ng lahat ng PalawenΜo at ng aming mga katutubong komunidad.
ππ
23/01/2025
πΌππΌπ ππ π½πΌ? πΏβ¨
Sa pangarap na bigyang-puwang ang mga katutubong kabataan sa usapin ng pangangalaga ng kalikasan π± at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon , nabuo ang ππΌππ πππππ β isang samahang nagtataguyod ng adbokasiya para sa kalikasan π³π at tradisyong katutubo sa ππππ©π€π§ππ-πΌπ£ππ₯ππππ£ ππ€πͺπ£π©πππ£ πππ£ππ (ππΌππ) ποΈ.
π Nabuo ang samahan ng VAMR YOUTH noong Disyembre 1-3, 2023 π
, sa isang pagtitipon π€ na ginanap sa Saint Ezekiel San Jose, Puerto Princesa City . Sa pagtitipong ito, nagtipon-tipon ang kabataang Palaβwan at Tagbanua π« mula sa mga bayan ng Puerto Princesa, Aborlan, Narra, at Quezon π.
π― Ang kanilang layunin:
Paigtingin ang pagpapakilala at pagpapahalaga sa mga kultura at tradisyon ng kanilang mga ninuno, habang pinangangalagaan ang likas na yaman ng kanilang mga lupain ποΈπ.
Sa tulong ng mga pagsasanay sa dokumentasyon at geo-tagging πΊοΈπΈ, natutunan ng mga kabataan kung paano magtala ng mga mahahalagang bahagi ng kanilang lupain at kultura. Ang mga kasanayang ito ay nagbigay sa kanila ng kakayahang magdokumento ng mga mahahalagang pangyayari πβ¨ sa loob at labas ng lupaing ninuno ποΈ, at sa mga gawain na pinangungunahan ng mga katutubong kabataan ππͺ.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
5300