Mindoro Today

Mindoro Today

Share

Covering the island’s news, issues, and stories that matter to Mindoreños through responsible community journalism.

06/07/2026

🚧 ROAD ADVISORY PARA SA MGA BIYAHERONG MINDOREÑO

Pinapayuhan ang mga Mindoreñong bumiyahe papunta at pabalik ng Batangas Port na maglaan ng dagdag na oras sa kanilang biyahe matapos ipatupad ang pansamantalang pagsasara ng Balagtas Flyover sa Batangas City dahil sa maintenance works.

Ayon sa Transportation Development and Regulatory Office (TDRO), sarado ang Batangas City-bound lane mula kahapon, Hulyo 6 hanggang Hulyo 20, 2026, habang isasara naman ang PPA-bound lane mula Hulyo 24 hanggang Agosto 6, 2026.

Dahil ang rutang ito ay madalas gamitin ng mga biyaherong mula sa STAR Tollway patungo sa Batangas Port, inaasahang maaaring magkaroon ng mabagal na daloy ng trapiko at pagkaantala sa biyahe.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista, lalo na ang mga papuntang pantalan sakay ng barko patungong Mindoro, na planuhin ang kanilang pag-alis at magbigay ng sapat na allowance sa oras upang maiwasang maabutan ng traffic at makaiwas sa aberya.

06/07/2026

CONG. ARNAN PANALIGAN NANAWAGAN NG ROLLBACK SA PAMASAHE AT CARGO RATES SA CALAPAN–BATANGAS ROUTE

Nanawagan si Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan sa Maritime Industry Authority (MARINA) na hikayatin ang mga shipping company na magpatupad ng rollback sa passenger at rolling cargo rates sa rutang Calapan City–Batangas.

Sa liham na may petsang Hulyo 1, 2026 na ipinadala kay MARINA Administrator Sonia B. Malaluan, ipinaliwanag ng kongresista na tumaas ang pamasahe at cargo rates noong Marso kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Ayon sa liham, ang karaniwang passenger fare ay tumaas mula ₱529 hanggang ₱728, habang ang rolling cargo rates para sa mga trak na nagdadala ng pagkain at produktong agrikultural ay umakyat mula ₱6,343 hanggang ₱8,503.

Ngunit ngayong bumababa na ang presyo ng langis dahil sa pagtigil ng labanan sa Middle East at sunod-sunod na oil price rollbacks, sinabi ni Cong. Panaligan na panahon nang ibaba rin ang singil sa barko.

Binigyang-diin niya na ang mataas na pamasahe at cargo rates ay nagpapabigat sa mga pasahero at nakadaragdag din sa presyo ng mga pangunahing bilihin na dinadala papasok at palabas ng Oriental Mindoro.

Bagama't dereguladong industriya ang shipping, sinabi ni Panaligan na may kapangyarihan ang MARINA na bantayan ang operasyon ng mga shipping company upang matiyak na napoprotektahan ang kapakanan ng publiko.

Umaasa ang kongresista na agad kikilos ang MARINA upang mapagaan ang gastusin ng libu-libong biyahero, magsasaka, agricultural producers, at maliliit na negosyante na umaasa sa rutang Calapan–Batangas.

05/07/2026

𝗚𝗨𝗥𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗫𝗔𝗦

Sugatan ang isang dating g**o na ngayo'y nagtatrabaho bilang private tutor matapos umano siyang saksakin ng kanyang pamangkin sa asawa (nephew-in-law) sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Odiong, Roxas noong Biyernes, July 3.

Ayon sa imbestigasyon ng Roxas Municipal Police Station, personal na alitan o paghihiganti ang sinasabing ugat ng insidente.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar, dinala sa pagamutan ang biktima at inaresto ang suspek sa mismong pinangyarihan ng pananaksak. Wala umanong naging paglaban ang suspek at kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang kaso.

Nilinaw ng pulisya na ang insidente ay hindi may kaugnayan sa dating propesyon ng biktima bilang g**o o sa kanyang kasalukuyang trabaho bilang private tutor. Anila, isa itong isolated incident na nag-ugat lamang sa personal na hidwaan ng mga sangkot.

Hinikayat din ng Roxas Municipal Police Station ang publiko na huwag iugnay ang kaso sa iba pang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga g**o sa ibang lugar upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at hindi kinakailangang pangamba.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

📸: Roxas Municipal Police Station

Want your business to be the top-listed Media Company in Pinamalayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Pinamalayan