Philippines is Rising

Philippines is Rising

Share

15/05/2026

Oh.

'NAG-WARNING SHOT KA, PINUTUKAN KITA PABALIK, IS IT NOT AN ATTACK?'

Tumaas ang boses ni Senate Pres. Alan Peter Cayetano nang tanungin kung makokonsiderang "attack" ang nangyaring putukan sa Sennado nitong Miyerkules, May 13.

Kasunod ito ng pahayag ni Cayetano na Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ang unang nagpaputok sa insidente.

"Your lives (media) were in danger last night. I know it's your job to ask a question... But if you have any doubt, you're doubting our democracy, you're not doubting my statements."

15/05/2026

Nagkaroon ng tensyon at kaguluhan sa loob ng Senado ng Pilipinas matapos makarinig ng mga putok ng baril habang nagkakaroon ng standoff kaugnay kay Ronald dela Rosa. Siya ay hinahanap ng International Criminal Court (ICC) dahil sa alegasyong crimes against humanity na konektado sa war on drugs noong administrasyon ni Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga ulat, nasa loob ng Senado si Dela Rosa upang umiwas sa posibleng pag-aresto habang dumating ang mga law enforcement agents sa paligid ng gusali. Biglang nagkaroon ng putukan at pansamantalang ni-lockdown ang lugar. Hindi agad malinaw kung sino ang nagpaputok, ngunit sinabi ng ilang opisyal na walang naiulat na nasaktan o namatay.

Kasabay nito, lalong uminit ang tensyon sa politika dahil sa hidwaan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pamilya Duterte. Nadagdag pa rito ang impeachment issue laban kay Sara Duterte.

Pagkatapos ng kaguluhan, lumabas sa mga ulat na nakaalis si Dela Rosa sa Senado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente ng putukan.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Philippine?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Philippine