MGI Testimony
= Pagkaing Espirituwal =
14 April 2026
Kawikaan 14:17
17 Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat, ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.
Ang galit ay isang natural na damdamin, ngunit kapag ito ay hindi napangasiwaan, nagiging pintuan ito ng kasalanan. Hindi sinasabi ng talata na huwag tayong magalit—kundi huwag tayong magpadala dito.
1. Ang Galit na Walang Kontrol ay Mapanganib
Sabi sa Efeso 4:26, “Magalit kayo, ngunit huwag kayong magkasala.”
Ibig sabihin, may tamang paraan ng pagharap sa galit. Kapag pinabayaan natin ito, nagiging sanhi ito ng maling salita, maling desisyon, at minsan ay pagkasira ng relasyon.
2. Ang Mahinahon ay May Malinaw na Isip
Sa Kawikaan 15:1, “Ang mahinahong sagot ay nakakapawi ng galit.” ngunit nakakagalit ang salitang walang taros.
Ang taong mahinahon ay hindi agad tumutugon—siya ay nag-iisip muna. Dahil dito, naiiwasan niya ang gulo at napapanatili ang kapayapaan.
3. Ang Pagpipigil sa sarili at Hinahon ay BUNGA ng ESPIRITU, at ito'y mahalaga na taglayin upang makita ang pagiging mabuting halimbawa at tunay na nakipag-isa kay Cristo. 2 Cor 5:17
Galacia 5:22-24
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. 24 At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.
Kaya bilang isang mananampalataya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay mahalaga na taglayin lagi natin ang 9 na bunga ng Espiritu upang siya ang magiging patnubay natin sa bawat araw.
Galacia 5:16 (MBB05)
Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman.
Ang pagpapalà at pag-iingat Ng Diyos ay suma-ating lahat na nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga utos.
Pinagpalang umaga po sa ating lahat mga Kapatid.😊
TO GOD BE ALL THE GLORY!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pateros
1620