Prime Online System - Edrich Mercado

Prime Online System - Edrich Mercado

Share

16/04/2026

Every time you choose the easy way out,
you slowly train yourself to stay small.

Hindi dahil hindi mo kaya…
kundi dahil nasasanay ka umiwas.

At habang inuulit mo ‘yon,
lalo mong kinukumbinsi sarili mo na hanggang doon ka lang.

Pero eto ang totoo:
Growth doesn’t happen in comfort.

Kung gusto mong lumaki ang results mo,
kailangan mong harapin yung mga bagay na iniiwasan mo.

Do the hard thing.
Kahit hindi ka ready. Kahit inconvenient.

Doon nagsisimula ang pagbabago.

If this hits you, message me.
Let’s work on your next level.

08/04/2026

Minsan habang pinapanood ko yung mga nangyayari sa mundo, napapaisip ako…

Parang yung ibang world leaders, nagiging parang mga batang nagpapataasan ng ihi 🥺

Paunahan ng lakas. Pataasan ng pride. Paramihan ng impluwensya.

Pero ang tanong, nasaan yung tunay na malasakit sa tao?

Hindi ko sinasabing madali ang leadership. Alam ko hindi. Maraming pressure. Maraming responsibilidad. Maraming kailangang i-balance.

Pero sana, sa gitna ng power, hindi mawala yung puso.

Kasi ang totoong leadership, hindi paramihan ng lakas kundi paramihan ng kababaang-loob.

Hindi pataasan ng boses kundi pagpapakumbaba para makinig.

Hindi palakihan ng pangalan kundi palaliman ng pagmamahal sa mga taong pinaglilingkuran.

Kung may kulang sa mundo ngayon, hindi lang better leaders kundi leaders na may puso.

At habang hindi natin kontrolado ang mundo, pwede nating simulan sa sarili natin.

Sa pamilya. Sa trabaho. Sa ministry.

Be the kind of leader na hindi kailangang magyabang para marinig kundi may buhay na nagsasalita.

08/04/2026

Yung mga career na tumitibay nagsisimula sa taong okay lang magmukhang baguhan.

Magtanong ka.
Umamin ka pag nagkamali.
Matuto kahit may ibang nanonood.

Mas matapang yan kaysa magpanggap na alam mo na lahat, at doon talaga nanggagaling ang totoong growth.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Pateros?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Pateros