Project Agapay 2020

Project Agapay 2020

Share

06/11/2025

Sa pagwawakas ng ugnayan ng DNE: PCSHS Math Club at Project Agapay 2020, taos puso kaming nagpapasalamat sa mga volunteers at g**o na umagapay sa programang ito. Tulad ng PA2020, nagsimula ang Devotion, Nobility, at Excellence o DNE ng Pasig City Science High School sa isang tanong "Bakit yung sciences may clubs yung math wala?"

Nagpatuloy ang interes ng mga mag-aaral may hilig man sa Matematika o wala hanggang sa maging isang ganap na club sa pangunguna ni Mr. Joseph S. Lara. Nagbigay ng paanyaya ang bawat isa upang maging inspirasyon sa kapwa nilang Pascian at lumago ang club sa bilang na 130 na miyembro.

Basahin ang kanilang FAQs kayong lahat sa kanilang page: https://www.facebook.com/photo/?fbid=153304119786752&set=a.102877921496039

30/10/2025

Ang bawat isa sa atin, mula sa ibaโ€™t ibang larangan, ay may maiaambag sa pagkatuto ng mga nagnanais matuto. Naglaan ng oras, talino, at lakas ang mga sumusunod na panauhin upang maging matagumpay ang proyektong Marhay: The Making of Good Student-Teachers.

Pinangunahan ni Engr. Carla C. Mendiola ang module writing session. Nagbigay naman ng inspirasyon si Teacher Joselle Erika Lou N. Tabarangao, LPT, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang mga karanasan bilang g**o ng mga special children.

Si Eunice Grace D. Angus naman ang nagbuklod sa kahalagahan ng bawat naging session at nagturo ng mga epektibong paraan ng pagbuo ng mga goals sa isang classroom setting.

Kabilang sa mga tagamasid at tagapayo sa isinagawang demo return teaching sina John Timothy C. Daclag (BS Mathematics), Lynette C. Manlapas (BS Mathematics), at Divine Alma B. Decano, LPT.

Samantala, sina Dr. Khyla Alexandra C. Lagunzad, Architect Aizlie I. Morales, at Pilot Laarni L. Tagle ang nagsilbing panelists sa Awards Night ng proyekto.

Tunay nga na malayo ang mararating ng kaalaman โ€” lalo na kung itoโ€™y ibinabahagi nang may puso.

30/10/2025

โœจ Dait: Susi sa Kinabukasan โœจ

Sa wikang Cebuano, ang salitang โ€œDaitโ€ ay nangangahulugang katuwang โ€” isang salitang kumakatawan sa sama-samang pag-unlad at pagtutulungan.

Bilang pagtatapos ng taon 2023โ€“2024, ipinagkaloob ng Project Agapay 2020 ang Mentorship Program sa DNE: PCSHS Math Club noong Abril 13, 2024. Lubos ang aming pasasalamat sa mga magulang, mag-aaral, at g**o na naging bahagi ng makabuluhang pagtitipon.

Kabilang sa mga dumalo sina Sir Manuel D. Umali, tagapayo ng PA2020, at Sir Joseph S. Lara, tagapayo ng DNE, para sa partial formal turnover event โ€” na inaasahang magiging ganap sa kooperasyon kasama ang bagong punong-g**o ng paaralan.

Patuloy na mananatiling dait ang Project Agapay 2020 sa maliliit ngunit makabuluhang paraan โ€” sa pamamagitan ng non-monetary assistance.

29/10/2025

Sa pagsasanib ng mga organisasyon, tampok sa larawan ang mga masisipag at magigiting na g**o na patuloy na nagpapamalas ng dedikasyon sa pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral.

Kabilang sa kanila sina John Timothy C. Daclag, BS Mathematics mula sa University of the Philippines โ€“ Diliman; Carl A. Basco, dating presidente ng DNE Club (taong 2023โ€“2024); at Joseph S. Lara, Master Teacher III ng Pasig City Science High School.

๐ŸŽ‰ Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa ating mga g**o โ€” tunay na haligi ng inspirasyon at karunungan!

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Pasig