SaMaRiFil SHS
Nandito na ang isang makakasama natin sa Buwan Ng Wika, Siya ay nag bibigay-pugay sa ating selebrasyon. 📖
Kami ay nag papasalamat sa iyong pag bati Bb. Miq Mikay Bautista. 💗
Ihanda niyo ang inyong mga sarili dahil marami tayong makakasama at makikiisa sa ating pagdiriwang. 🇵🇭
Isa pa lamang iyan..... 😉
✍️: Quiddam, James Michael M. Miyembro Ng SaMaRiFil
11/04/2025
Sa 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝘁𝗶𝘁𝗶𝗸 ✍️ na binubuo ng ating 𝗽𝘂𝘀𝗼, sa bawat salitang isinilang sa ating guniguni’t pagsuyo— doon sumisibol ang himig ng kaluluwa, doon naglalagos ang damdaming kay tagal nang itinatago’t dinadala.
Ang pagsusulat ay hindi lamang galaw ng kamay, kundi pagluwal ng damdaming sabik nang magsaysay. Ito’y pagsisid sa lalim ng katahimikan, paghugot sa pusong bihag ng kasaysayan.
Ang paglikha’t pagsulat ay ‘di basta akda— 𝐢𝐭𝐨’𝐲 𝐝𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨, 𝐬𝐢𝐠𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚.
Bawat tuldok ay patak ng luha,
bawat kudlit ay bakas ng sigwa.
Bawat pangungusap ay salin ng damdaming ‘di masambit—
tila panaginip na sa papel ay humahagitgit.
Ito ang silungan ng lungkot na ‘di maipinta, tagpuan ng pag-asa ☀️, tahanan ng pag-ibig na kay tagal nang kinimkim ng damdamin at diwa.
Ayon kay Tolentino (2007),
sa panitikang mapagpalaya, nahuhubog ang kultural na kamalayang totoo’t makata.
Kaya’t ang malikhaing pagsulat ay ‘di lang sining ng salita— ito’y ehersisyo ng paglaya sa bugso ng nadarama.
Sa pag-aaral ni Nuncio (2005),
‘di rin matatawaran ang papel ng panulat sa tinig ng laylayan.
Ang tula’y naging tabak ng mga salitang tahimik— kapangyarihang tangan ng damdaming nilimlim ng lipunan.
Ang pagsusulat ay pagninilay sa gabi ng katahimikan, paglaya sa tanikala ng kaisipan.
Ito’y pagbangon sa gitna ng unos ⛈️, pagsilang ng pag-asa sa damdaming halos malunos.
Huwag mong maliitin ang isang titik na tila payak, dahil minsan, sa sulat—ang tapang ay sumisiklab.
Ang pinakamatapang na tinig ay ‘di kailangang isigaw, minsan ay hinagpis lang na sa papel ay marahang bumubukal.
Sa bawat akdang isinulat ng damdamin, naroroon ang tinig sa panahong tayo’y nilimlim.
Naroroon ang laban sa oras ng pagtalikod, ang kapangyarihan sa panahong tayo’y pinagpipi at pinangungulila ng lungkot.
Mga Sanggunian:
Nuncio, E. (2005). Mga talinghaga sa laylayan: Ang mapagpalayang pedagohiya ng malikhaing pagsulat at antolohiya ng mga tula ng Bukalsining. UST Publishing House.
Tolentino, R. B. (2007). Sipat kultura: Tungo sa mapagpalayang pagbabasa, pag-aaral at pagtuturo ng panitikan. Ateneo de Manila University Press.
Isinulat ni: Bb. Ma. Tiffanie San Juan, Miyembro ng SaMaRiFil SHS
Layout ni: Bb. Michaela Turla Benito, Tagadisenyo ng SaMaRiFil SHS (2024-2025)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasig
1606