An Pukot

An Pukot

Share

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus sa Silangang Visayas (MPPA-KSV)

Photos from An Pukot's post 19/05/2026

𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Malugod na binabati ng patnugutan ang mga kasapi nito mula sa Batch Dalunira (Batch 2026) na nagsipagtapos ngayong araw, Mayo 19, 2026.

Lubos ang aming pasasalamat sa dedikasyong iginugol ninyo sa An Pukot at sa patuloy na pagtataguyod ng layunin ng publikasyon na magsilbing alon ng katotohanan at maging tinig ng kabataan tungo sa kamalayan.

Nawa’y manatiling matatag ang inyong paninindigan at manatiling buhay sa inyong diwa ang pagiging malay at mulat. Nawa’y patuloy ninyong isabuhay ang diwa ng mapanuring pamamahayag at paglilingkod sa bayan.

Maligayang pagtatapos, Batch Dalunira!

𝘗𝘶𝘣𝘮𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘌𝘴𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘋𝘪𝘢𝘩 𝘉𝘦𝘳𝘯𝘢𝘭

Photos from An Pukot's post 13/04/2026

𝗕𝗢𝗦𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 | SAGE 2026 Special Coverage

Narito ang mga pangyayari sa Miting de Avance at Debate para sa SAGE 2026, kung saan limang kandidato na nagnanais maglingkod sa kapwa iskolar at sa buong komunidad ng MPPA-KSVL ang humarap sa entablado. Isa-isa nilang ipinakilala ang kanilang mga sarili, inilahad ang kanilang mga plataporma, at ibinahagi ang kani-kanilang pambungad na talumpati. Ilan sa mahahalagang puntong tinalakay sa kanilang mga pahayag ay ang sumusunod:

𝘒𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘪 𝘓𝘺𝘬𝘢 𝘈𝘣𝘢𝘳𝘳𝘢𝘵𝘪𝘨𝘶𝘦
𝘗𝘶𝘣𝘮𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘈𝘯𝘵𝘰𝘪𝘯𝘦𝘵𝘵𝘦 𝘘𝘶𝘦𝘣𝘦𝘤
𝘗𝘩𝘰𝘵𝘰 𝘌𝘥𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 | 𝘑𝘦𝘳𝘯𝘪𝘦 𝘔𝘶𝘯𝘤𝘢𝘥𝘢

Photos from An Pukot's post 30/03/2026

Nagkamit ng mga parangal ang An Pukot sa Para sa Bayan at Lasalyano (BayLayn) 2026 ng Ang Pahayagang Plaridel sa De La Salle University – Manila noong Marso 28, 2026.

𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹
𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗧𝗜𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔
𝗣𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗞𝗼𝗹𝗲𝗸𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻

𝗜𝗻𝗱𝗶𝗯𝗶𝗱𝘄𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻
𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗧𝗜𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔
𝗝𝗮𝗿𝘆𝗻 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 – 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗔𝗿𝘁𝗶𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮

Muli, pagpupugay sa lahat ng kasapi ng pahayagan at patuloy na maging tinig ng kabataan tungo sa kamalayan.

𝘓𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘈𝘳𝘤𝘩𝘦𝘳𝘴 𝘕𝘦𝘵𝘸𝘰𝘳𝘬
𝘗𝘶𝘣𝘮𝘢𝘵 𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘉𝘦𝘳𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘈𝘯𝘵𝘰𝘪𝘯𝘦𝘵𝘵𝘦 𝘘𝘶𝘦𝘣𝘦𝘤

Want your business to be the top-listed Media Company in Palo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Palo