Mayor Rommel Magbitang

Mayor Rommel Magbitang

Share

20/05/2026

π—‘π—”π—œπ—– π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜π—¦ π—₯π—˜π—–π—”π—£: 𝗗𝗔𝗔𝗑-π——π—”π—”π—‘π—š π—‘π—”π—œπ—–π—€π—¨π—˜Γ‘π—’, π—‘π—”π—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—‘π—š 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—˜π—‘π—š π— π—˜π——π—œπ—–π—”π—Ÿ π— π—œπ—¦π—¦π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—–π—œπ—¨π——π—”π—— π—‘π—¨π—˜π—©π—’

Naganap sa Ciudad Nuevo Phase 1 ang isang Medical Mission sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kung saan daan-daang NaicqueΓ±o ang nakinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan at konsultasyon.

Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang libreng tuli, gupit, dental check-up, pamamahagi ng gamot, at iba pang medical services na tumugon sa pangunahing pangangailangan ng komunidad.

Patuloy ang pagsasagawa ng mga ganitong programa sa Bayan ng Naic upang mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang NaicqueΓ±o.

Photos from Mayor Rommel Magbitang's post 20/05/2026

Patuloy ang ating pamamahagi ng school supplies sa nalalapit na pasukan, at ngayong araw May 20,2026 ay nagtungo tayo sa mga sumusunod na paaralan:
- Ciudad Nuevo Elementary School
- Petronillo L. Torres Elementary School
- Verdant Homes Elementary School
para sa ating mga kabataang NaicqueΓ±o bilang suporta sa kanilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela upang mas maging handa, masigla, at mas confident sila sa panibagong school year para sa mas magandang kinabukasan ng Bayan ng Naic.

20/05/2026

Nakiisa tayo sa Blessing Ceremony ng bagong 4-storey, 20-classroom building sa Timalan Hillsview Integrated School Annex kasama ang mga kawani ng Naic District III ngayong May 20, 2026. Isa itong malaking tulong para sa mas maayos at mas komportableng pag-aaral ng ating mga kabataang NaicqueΓ±o.

Photos from Mayor Rommel Magbitang's post 20/05/2026

PAMAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES PARA SA MGA KABATAANG NAICQUEΓ‘O

Naganap nitong May 19, 2026 ang pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral ng mga sumusunod na eskwelahan:
- Jovita Yuvienco ELem. School(Malainen Luma)
- Molino Elem. School
- Muzon Elem. School
- Malainen Bago Elem. School
- Malainen Bago Integrated School
bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na pagbabalik-eskwela sa Bayan ng Naic.

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang sumusuporta sa edukasyon upang mas maging handa at masigla ang mga kabataang NaicqueΓ±o sa kanilang pag-aaral para sa mas maliwanag na kinabukasan.

18/05/2026

SPECIAL NEWS REPORT: MEGA CLEAN-UP DRIVE SA FRIENDSHIP ROAD, BRGY. TIMALAN BALSANAN

Nagsagawa ng Mega Clean-Up Drive sa Friendship Road, Barangay Timalan Balsanan sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga volunteers.

Ipinakita sa naturang aktibidad ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa bayan.

Telephone

Website