MOO Mercedes
31/03/2026
𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝟒𝐏𝐬 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐞𝐬!
𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝟒𝐏𝐬 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧!
Buong pusong binabati ng Department of Social Welfare and Development Field Office V - Bicol Region ang lahat ng 4Ps monitored children na nagsipagtapos ngayong school year.
Ipinagmamalaki ng ahensya ang inyong natanggap na sertipiko at iba't-ibang pagkilala!
Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at sakripisyo, hindi lamang ninyo, kundi pati ng inyong mga magulang na patuloy na nagsisikap para sa inyong kinabukasan.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ninyo ang pag-aaral, abutin ang inyong mga pangarap, at maging pag-asa ng inyong pamilya at komunidad. Patuloy na sumusuporta ang DSWD Bicol sa inyong paglalakbay tungo sa mas maliwanag na bukas.
02/03/2026
𝟏𝐬𝐭 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐌𝐀𝐂) 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠
Ginanap ngayong araw ang Unang Quarter ng Municipal Advisory Council (MAC) Meeting na pinangunahan ni Mr. Jayson M. Lo, Municipal Administrator ng LGU-Mercedes.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang kaakibat na ahensya at mga katuwang na sektor ng Lokal na Pamahalaan ng Mercedes bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon at pagpapalakas ng mga programa para sa kapakanan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Pormal ding ipinakilala ang bagong Municipal Link na si ML Jeric B. Bermas at ang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng MOO-Mercedes na si ML Nica T. Nueva.
Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang mas mapahusay ang implementasyon ng mga programa at masig**ong natutugunan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo sa bayan ng Mercedes.
Sama-samang pagtupad para sa mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na komunidad!
23/02/2026
P**I BASA: Bahagi Po Ng Pagdiriwang ng Local Civil Registration month , ang LGU Mercedes sa pangunguna ng LCR office ay nag takda ng 1- Araw na libreng PABUKLAT Ng Birt certificate EXCLUSIVE sa mga TAGA Mercedes lamang Po.
Sa lahat ng nais maka - avail magdala po Ng valid ID preferably National ID.
Venue: Municipal Hall Bldg
Time : 8am onwards
Date: February 27, 2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4601
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |