Kuya Christian

Kuya Christian

Share

23/12/2025
23/12/2025

Thank You Lord sa aming "lola", sya tlga breadwinner namin.

Simula mag passed away parents namin, 2017, may isang tao tlga na sumalo ng responsibility para samin. Si nanay (lola)!

Labada kung saan saan at tinda ng itlog penoy araw araw. Mag 9 years na sacrifice.

4 years old palang noon si Coleen, bunso samin magkakapatid.

8 kami magkakapatid.

6 kami pinag aral ni nanay.

2 kami PWD, sinasamahan ako ni nanay sa Phil. Orthopedic Center sa check ups.
At nung 2017-2019, sinasamahan rin namin si Angel, may sakit sa puso para magpacheck up sa Phil. Heart Center.

Wala samin huminto ng pag aaral.
Wala samin nalipasan ng gutom.
Wala samin napariwara ang buhay.
Dhil kay Nanay!

Ako pastor na, may maayos narin work ngayon sa recruitment agency ng OFW.

Si Jr. may maayos narin na work. At nakakapundar narin paunti unti.

Naalala ko noon, 2018, maliliit pa mga kapatid ko,,, pinuntahan kami ng DSWD para kunin,. Pero si nanay di pumayag. Sinabi nya kaya nya kami pakainin at pag aralin.

Sabi nya kahit anong mangyari, sama sama lang kami. Kahit isang sardinas lang kayang pagkasyahin basta sama sama.

Aanhin mo naman magandang buhay, kung hiwahiwalay at malayo sa isat isa.

Now, thankful kasi kahit mahirap noon. Unti unting nakakaraos.

Khit anong marating namin, di namin mahihigitan o matutumbasan sacrifice ni nanay para sa amin.

"Lord, palakasin Mo pa si nanay!"

Wala na ako ibang dasal. Yun lang 🙏🤲🙌

Want your business to be the top-listed Media Company in Daraga?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Brgy. Gadgaron
Daraga