Exta Income for Pinoys
29/06/2015
MAHIRAP MAGING POSITIVE KUNG ANG MGA NAKAPALIGID SA IYO AY NEGATIVE
HAPPY MORNING SA INYONG LAHAT!
May mga kakilalang ka bang mga tao na pinanganak sa mundo para pampahirap ng buhay mo?
Kahit anong gagawin mo ay hinihila ka pababa?
Wala ka nang ginawang tama at parati ka na lang mali.
Para ang layunin lang nila sa buhay ay ikaw ay pabagsakin.
Naghihingtay lang sila ng pagkakataon na ikaw ay madapa at imbis na ikaw ay tulungan; pagtutulungan ka pa nilang sipain.
Bago ka magpaepekto sa mga taong ganyan.
Pag-isipan mo at pag-aralan mong mabuti kung tama ba ang kanilang komento o ito ay nanggagaling sa sa inggit?
Kung itong mga tao ay tunay na nagmamalasakit, kailangan natin itong pakinggan. Pero kung ito naman ay nanggagaling lang sa mga taong nega. Huwag mo silang bigyan ng puwang sa iyong isipan.
Masyado kasi tayo nagpapaepekto sa mga taong na hindi naman dapat bigyan ng pansin.
Magbalik tanaw tayo kung bakit ba natin ginagawa ang isang bagay? Kung ito ay makakabuti sa iyo at sa mahal mo sa buhay; kung ito ay hindi makakasakit sa ibang tao; kung ito ay magbibigay sa iyo nang katuparan ng iyong pangarap.
Huwag kang magpapa-epekto sa mga taong nega na satsat lang ng satsat pero wala namang ginagawa.
This is the time for you to shine.
Kahit ano man ang isipin at sabihin nila, just as long as you are aiming and trying your best to reach your goal, so be it.
Huwag kang lilingon o titingin man sa kanan o kaliwa.
Ito ay mga distractions lamang na pilit nilang nakawin ang iyong pangarap.
THINK. REFLECT. APPLY.
May mga taong bang ganoon na nakapaligid sa iyo?
Ano ang ginagawa mo? Pinapatulan mo ba o pinapasa-Diyos mo na lang?
Click here to claim your Sponsored Listing.