E Learning Resource Center

E Learning Resource Center

Share

Master in-demand skills and prepare for your next career step with our comprehensive digital library. πŸ’ΌπŸ“Š We are your go-to hub for flexible, self-paced learning to boost your career, skills, and professional growthβ€”anytime, anywhere. πŸ“šπŸš€

13/06/2026

This year, ILAW Framework ang gagamitin natin sa LPs which stands for "Intentions, Learning experiences, Assessment, and Ways forward", and so far ay okay na okay siya for me.

Pero para masaya, dapat LAMPARA Framework naman next year:
LA - Learning Analytics
M - Mastery-Based Instruction
P - Performance-based Tasks
A - Assessment
RA - Remediation Activities

Tapos, a year after that ay KANDILA Framework naman:

KA - Knowledge Aggregation
N - Needs-Based Navigation
DI - Differentiated Interventions
LA - Long-term Acquisition

Tapos, 'pag nagpalit ng leadership ay KURYENTE Framework na:

K.U. - Knowledge Utilization
R - Reliability
Y.E. - Year-end Evaluation
N - Needs-mapping
T.E - Technical Efficiency

Tapos, sa grand finale ay SOLAR Framework na:

S.O. - Sustainable Outcomes
L.A. - Learning Activities
R - Remediation

Tapos, kapag mababa pa rin ang grades ng mga bata, BROWNOUT Framework na lang:

B.R. - Baseline Remediation
O - Objective Re-validation
W.N. - Wide-range Nurturing activities
O.U. - Output-driven Utilization
T - Testing and assessment

Oh diba? 🀣 Perfect! Go! Eme lang po.

(C) Tser Neil

πŸ˜…πŸ‘ŒπŸ€£

07/06/2026

🍎 Unang Araw ng Klase

Sa mga magulang na muling maghahatid at maghihintay.

Sa mga g**ong muling magtuturo at mag-aaruga.

At sa mga batang may halong kaba at excitement ngayong arawβ€”

Maligayang pagbabalik-eskwela.

Hindi man perpekto ang lahat sa simula, tandaan natin na ang bawat malaking pangarap ay nagsimula rin sa unang araw.

Isang araw. Isang hakbang. Isang taong puno ng pag-asa.

❀️ Para sa mga magulang at g**o, narito ang ilang simpleng paraan upang matulungan ang mga bata ngayong taon:

β€’ Pakinggan sila bago sila turuan. β€’ Purihin ang pagsisikap, hindi lang ang mataas na marka. β€’ Hayaan silang magkamali at matuto mula rito. β€’ Maglaan ng oras para sa pahinga at paglalaro. β€’ Ipaalala sa kanila na hindi nila kailangang maging perpekto. β€’ Sabihing, "Kaya mo 'yan," kahit minsan ay hindi sila naniniwala sa sarili nila.

Minsan, ang pinakamahalagang baon ng isang bata ay hindi nasa bagβ€”kundi ang suporta at pagmamahal ng mga taong naniniwala sa kanya.

02/06/2026

🍎 Dear Me,

June 2 na.

Anim na araw na lang, bubukas na naman ang mga silid-aralan.

May mga kailangan pang tapusin.
May mga kailangan pang ihanda.
May mga bagay na hindi pa rin kumpleto.

At gaya ng bawat taon, may kaunting kaba.

Kaya ko pa ba?

Handa na ba ako?

Pero naaalala ko...

Hindi naman ako nagsimula dahil madali ang pagiging g**o.

Nagsimula ako dahil may mga batang nangangailangan ng gabay.

May mga pangarap na nangangailangan ng tagapag-alaga.

May mga kinabukasang nangangailangan ng isang g**ong maniniwala sa kanila.

Kaya kahit pagod.

Kahit maraming kailangang gawin.

Kahit minsan ay pakiramdam ko'y kulang ang oras.

Pipiliin ko pa ring pumasok.

Pipiliin ko pa ring magturo.

Pipiliin ko pa ring magmahal ng mga batang ipinagkakatiwala sa akin.

Dahil sa dulo ng lahat ng pagod...

May batang matututong bumasa.

May batang magkakaroon ng kumpiyansa.

May batang magsisimulang mangarap.

At para sa akin, sapat nang dahilan iyon para magpatuloy.

❀️ Anim na araw na lang.

Muli na namang magsisimula ang isa na namang taon ng paghubog ng kinabukasan.

At handa na naman akong maging g**o.

31/05/2026

🍎 Dear Me,

Walong araw na lang.

Walong araw na lang at muli na namang bubukas ang silid-aralan.

Muli na namang gigising nang mas maaga.
Maghahanda ng lesson plan.
Mag-aayos ng classroom.
Magpiprint ng mga kailangan.
Mag-iisip kung paano mas mapapadali ang pagkatuto ng bawat bata.

At tulad ng bawat taon, may halong excitement at kaba.

Excitement dahil makakakita na naman ako ng mga batang may mga pangarap.

Kaba dahil alam kong hindi magiging madali ang mga susunod na buwan.

May mga papel na kailangang tapusin.
May mga reports na kailangang ipasa.
May mga deadlines na hahabulin.
May mga problemang dadalhin sa loob ng classroom kahit hindi naman bahagi ng lesson.

Minsan mapapagod.

Minsan maiiyak.

Minsan mapapatanong kung sapat pa ba ang lakas ko para magpatuloy.

Pero sa tuwing naiisip kong may batang matututong bumasa dahil sa tiyaga ko...
May batang matututong mangarap dahil naniwala ako sa kanya...
May batang magkakaroon ng kumpiyansa dahil minsan kong sinabing, "Kaya mo 'yan."...

Naaalala ko kung bakit ko pinili ang propesyong ito.

Hindi ako yumaman sa pagtuturo.

Pero yumaman ako sa mga "Thank you, Ma'am."
Sa mga simpleng ngiti.
Sa mga estudyanteng minsang nangarap lang, pero ngayon ay unti-unti nang naaabot ang kanilang mga pangarap.

At sa totoo lang...

Hindi trabaho lang ang pagtuturo.

Ito ay pagmamahal.

Pagmamahal sa mga batang ipinagkatiwala sa atin.
Pagmamahal sa kinabukasan.
Pagmamahal sa bansang umaasa sa susunod na henerasyon.

Kaya sa sarili ko...

Kapag dumating ang mga araw na nakakapagod,
alalahanin mo kung bakit ka nagsimula.

Kapag pakiramdam mo ay hindi napapansin ang sakripisyo mo,
alalahanin mong may mga buhay na tahimik mong nababago araw-araw.

At kapag dumating ang unang araw ng klase sa loob ng walong araw...

Ngumiti ka.

Dahil hindi lahat ay may pagkakataong humubog ng kinabukasan.

Ikaw, g**o.

Araw-araw mo itong ginagawa.

❀️ Mabuhay ang bawat g**ong Pilipino.

Handa na naman tayong magtanim ng kaalaman, pag-asa, at pangarap.

Para sa mga bata.
Para sa kinabukasan.
Para sa bayan.

24/05/2026

πŸ“šβœ¨ β€œBakit parang mas mabilis maka-gets ng ibang bata ang lessons?”

Kadalasan, nagsisimula lahat sa MATIBAY na foundation sa Math. πŸ§ βž•βž–

Kapag bata pa lang ay naiintindihan na nila ang logic, numbers, at problem-solving… mas nagiging confident sila hindi lang sa Math β€” kundi pati sa Science, Reading, at iba pang subjects. πŸ’‘πŸŽ“

Imagine your child: πŸ… Mas confident sa school
πŸ… Mas mabilis umintindi ng lessons
πŸ… Mas handa sa future challenges

πŸ’› Tulungan silang magkaroon ng ADVANTAGE habang maaga pa.

πŸ”₯ LIMITED OFFER TODAY ONLY
πŸ’° β‚±89 instead of β‚±599
πŸ“– Lifetime Singapore Math Materials
βœ… Printable
βœ… Easy to follow
βœ… Pangmatagalang gamit

πŸ“© MESSAGE US NOW TO KNOW MORE!

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Manila