Essential Wellness PH
15/12/2020
Alam mo ba?
Pwedeng masira ang kidneys kapag tuluy-tuloy at matagalang ginamit ang mga NSAID painkillers (Ibuprofen, Mefenamic acid, Naproxem, Diclofenac etc)
Ang mga NSAID pain killers (tulad ng aspirin, mefenamic acid, diclofenac, ibuprofen, naproxen etc) ay hindi dapat ginagamit ng tuluy-tuloy at matagal. Epektibo ito para matanggal at sakit at pamamaga na dulot ng iba't ibang klase ng sakit tulad ng rayuma, headache, sakit ng ngipin, gout, dysmenorrhea at iba pa. Pero hindi ito dapat ginagamit nang pangmatagalan dahil sa panganib na pwede nitong idulot sa ating kalusugan.
Epektibo at ligtas ang mga painkillers kung gagamitin ito nang tama. Hindi ito for long-term use. Kadalasan sa mga body pains, hindi dapat tatagal nang higit sa sampung araw ang paggamit upang maiwasan ang mga harmful side effects. Napag-aralan na pwede magdulot ng pagbagal o kaunting pagdaloy ng dugo sa kidney at pwede itong magdulot ng pagkasira o pagkamatay ng mga tissues sa kidneys.
by Doktor Doktor Lads
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Manila
1009