Pursuing Christ

Pursuing Christ

Share

11/11/2024

Mabuti ba ang Diyos?
Totoo iyan, marahil lagi mo nang nararanasan ang kanyang kabutihan sa buhay mo, ang tawag diyan ay common grace o pangkaraniwang biyaya-na kahit hindi mo ipinapanalangin ay tinatamasa mo. Oo, kahit ang mga hindi kristiyano, kahit ang mga lumalait sa Diyos ay nakakaranas ng kabutihan ng Diyos sapagkat kaya niyang ipadama ang kanyang kabutihan kahit sa mabuti o masama. Ngunit ang kanyang pamantayan ng kabutihan ay hindi ang katulad ng depinisyon ng kabutihan na inaakala natin kundi ang kanyang katuwiran at kabanalan, na ipinahayag niya sa pamamagitan ng kanyang kautusan. Pwede nating sabihin na mabuting tao tayo sa harapan ng Diyos pero kung ang gagawing panukat ay ang pamantayan ng Diyos ng pagiging mabuti, tayo ay laging kapos. Ang totoo, mabuti ang Diyos hindi lang dahil sa kanyang benevolence, kundi ang kanyang kabutihan din ang larawan ng kanyang katuwiran at kabanalan. Kaya't tuwing aalalahanin natin ang kanyang pagiging mabuti, hindi lamang ito tumutukoy sa kanyang pag-ibig at kabaitan kundi pati na rin sa kanyang katuwiran at kabanalan. Ang kanyang kabutihan lamang ang maaari nating pagtiwalaan. Hindi tayo kailanman magiging mabuti sa harapan ng Diyos malibang nasa atin ang kabutihan ni Cristo.

Mc. 10:17-19: "Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting G**o, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos ng Diyos, ‘Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.’”"

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Manila