RTalk
16/02/2025
4-ANYOS NA BATA, PATAY MATAPOS SAKALIN NG SARILING INA!
Nasawi ang apat na taong gulang na batang babae matapos umanong sakalin ng kanyang sariling ina.
Ayon sa reporr, nainis raw ang ina dahil malikot at makulit ang bata. Kumuha siya ng padjama at ginamit ito para sakalin ang sariling anak.
Nakita ng 17-anyos na kuya ng biktima ang katawan ng nakababatang kapatid na hawak pa ng suspek. Sinubukan pang dalhin sa ospital ang bata pero binawian rin ng buhay.
Nabatid na graduation sana ng bata sa kindergarten nang mangyari ang krimen kaya ang mga awards nito at diploma ay inilagay na lamang sa ibabaw ng kanyang kabaong. Hawak na ng otoridad ang ina ng bata na mahaharap sa kaukulang kaso. Nangyari ito sa Davao City
Click here to claim your Sponsored Listing.