Everyday Life

Everyday Life

Share

Photos from Everyday Life's post 09/11/2025

BIGLAANG PAGTAAS NG TUBIG-DAGAT, NAKAPAGDULOT NG PAG-ALALA SA DINGALAN, AURORA

Nagdulot ng pangamba sa mga residente ang biglaang pagtaas ng tubig-dagat sa baybayin ng Dingalan ngayong araw, matapos makaranas ang lugar ng storm surge o daluyong ilang oras bago ang inaasahang pagtama ng Super Typhoon Uwan sa lalawigan ngayong gabi.

Makikita sa video na ibinahagi ng Dingalan Aurora Tourist Guide na umabot sa bahaging mabababang lugar ang alon at tubig-dagat na dala ng malakas na bugso ng hangin at presyur ng paparating na bagyo.

Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 4 at 5 sa ilang bahagi ng Aurora, kasama ang Storm Surge Warning na nagbabala sa mataas na antas ng alon at posibleng pagbaha sa mga baybayin.

Patuloy naman na nagpapaalala ang lokal na pamahalaan at mga awtoridad na iwasan muna ang pagpunta sa dalampasigan, suspendehin ang anumang pangingisda o paglalayag, at sundin ang abiso ng MDRRMO para sa kaligtasan.

08/11/2025

08/11/2025
Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Tondo
Manila
1012