Geramz
18/05/2026
SINONG BASTOS?
Ipinagtanggol ni Palace Press Officer Claire Castro ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kasunod ng mga puna na nagkulang ito sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.
Binigyang-diin ni Castro na walang naging kapalpakan sa panig ng NBI dahil hinarang umano sila sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.
Dagdag pa niya, dito makikita kung sino ang may tunay na respeto sa institusyon at kung sino ang hayagang nambastos sa batas nang nakialam ang Senado sa paghahain ng nasabing warrant.
18/05/2026
GHOST PROJECTS NOONG DUTERTE ADMIN, ISA UMANO SA NAGPABAON SA UTANG NG BANSA AYON KAY USEC. CASTRO
Patuloy na usap-usapan ang lumolobong utang ng Pilipinas matapos umabot sa mahigit ₱18.49 trillion ang kabuuang outstanding debt ng bansa nitong Marso, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury.
Sa gitna ng tumitinding debate ukol sa kalagayang pinansyal ng bansa, iginiit ng Malacañang na malaking bahagi umano ng problemang ito ay nag-ugat pa sa nakaraang administrasyon. Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, minana lamang ng administrasyong Marcos Jr. ang napakalaking obligasyong pinansyal mula sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa sa mga binigyang-diin ni Castro ang mga kontrobersiyang kinasangkutan ng ilang proyekto noon, kabilang ang usapin sa Pharmally at mga umano’y “ghost projects” sa ilalim ng programang “Build, Build, Build.” Ayon sa kanya, may mga proyektong pinaglaanan umano ng malaking pondo ngunit kinuwestiyon dahil sa kakulangan ng malinaw na implementasyon at resulta.
Dagdag pa niya, ang mabilis na paglobo ng utang noong kasagsagan ng pandemya ay lalo umanong nagpabigat sa kasalukuyang estado ng ekonomiya.
“Lumaki ang utang dahil namana ni Pangulong Marcos Jr. ang napakalaking utang,” ani Castro.
Sa kabila nito, nananatiling depensa ng mga kaalyado ng dating administrasyon na maraming imprastraktura at proyektong pangkaunlaran ang naipatayo sa ilalim ng Build, Build, Build program, kabilang ang mga kalsada, tulay, paliparan, at flood control projects na layong pasiglahin ang ekonomiya.
Patuloy namang hinihintay ng publiko ang mas malinaw na paliwanag at pagsusuri kung alin sa mga proyekto ang tunay na nakatulong at alin ang naging dagdag lamang umano sa pasanin ng kaban ng bayan.
17/05/2026
The Integrated Bar of the Philippines (IBP) National President Atty. Allan Panolong said the legality of a possible International Criminal Court (ICC) arrest warrant against Senator Ronald “Bato” dela Rosa will ultimately depend on the Supreme Court amid conflicting legal interpretations.
In an exclusive interview on DZRH Damdaming Bayan, Panolong said law enforcement agencies are currently respecting the Supreme Court’s directive granting Dela Rosa 72 hours to submit his position paper, with no arrest expected while the matter is pending before the High Court.
14/05/2026
Anu ang masasabi nyo tungkol Dito???
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Malabon
1470