Wealthier Pinoy
Watch this video to learn how to deposit and withdraw money in GSave/CIMB.
14/06/2021
CIMB O GSAVE ACCOUNT? PAANO MAGKARON NYAN? ANO REQUIREMENTS?
Ito ang pinaka frequent questions na nakukuha ko on this page. Okay, isa-isahin natin.
Una, iisa lang ang CIMB at Gsave. Kung magoopen ka ng Gsave sa loob ng Gcash, pwede mo na i-link ang Gsave mo sa CIMB app. Pero kahit hindi mo na gawin yun wala naman problema. Same benefit pa rin makukuha mo. It’s just that, when you have the CIMB app, you can experience its other features tulad ng pagtransfer ng fund sa ibang bangko ng libre! Sa Gcash kasi pag magfund transfer meron kang need bayaran na 15pesos na convenience fee.
Pls see pictures below to see Gsave logo inside Gcash.
Dapat verified ang Gcash account mo para makapagopen ng Gsave account. Wala ng ibang requirements. Kahit ano pa work mo o kung hindi ka man nagwowork, walang problema. Open ka lang ng account mo basta verified na si Gcash account.
Pag nagdeposit kukuha sya ng pera from Gcash, pag withdraw naman babalik lang uli nya kay Gcash.
I reccomend na magopen din ng BPI Account kung kaya para yun na ang nakalink sa Gcash mo. Para madali na lang magcash in at cash out ng pera. Di mo na need magbayad ng convenience fee sa 7eleven at kung saan pa man! Sayang din yan.
Kung ang goal mo talaga ay magipon, magandang simulan dito dahil simple lang ang pagopen ng account.
Goodluck sa pagiipon! 🐖
19/03/2021
CIMB Bank free insurance while saving money.
I’ve been saving some money in CIMB Bank since lockdown. 1 week ago, I received a message from them, meron daw akong free life insurance. Di ko lang pinansin nung una kasi sabi ko wala naman documents ano namang katibayan na may insurance ako sa kanila? Lol
Tapos kanina lang may nareceive akong email with attachment of underwriting ng life insurance from Sun Life Grepa. So ngayon, nafeel ko na legit pala sya.
Yung amount ng insurance ay nakabase sa last 3 months Average Daily Balance (ADB) mo. Maximum of 250k.
Basta hindi bababa sa 5k ang savings mo monthly tuloy lang ang free insurance mo.
Also, kahit papaano malaki ang interest na nakukuha ko sa CIMB monthly dahil they give 2.6% annual interest. Kumpara sa ibang bangko, ito na talaga ang pinaka malaki magbigay ng tubo and ING Bank with 2.5% naman na annual interest.
Kung magiipon ka, dun ka na sa bangko na di madamot sa interest at may free life insurance pa.
30/01/2021
Simpleng paraan para maka save ka ng Php15 sa mga online bank transactions!
ING and CIMB are digital banks that currently do not charge transaction fee.
Pwede ka magtransfer sa ibang bank accounts ng libre.
Isipin mo imbes na magbayad ka ng Php15, idagdag mo na lang sa savings mo. 😉
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Opening Hours
| Monday | 9am - 6pm |
| Tuesday | 9am - 6pm |
| Wednesday | 9am - 6pm |
| Thursday | 9am - 6pm |
| Friday | 9am - 6pm |
| Saturday | 9am - 6pm |