Rudeus Ignite

Rudeus Ignite

Share

25/05/2023

π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž 𝗦𝗔 π—¦π—›π—’π—’π—§π—œπ—‘π—š π—œπ—‘π—–π—œπ——π—˜π—‘π—§, π—¦π—œπ—‘π—”π— π—£π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π—₯π—˜π—žπ—Ÿπ—”π— π—’ π—‘π—š π—€π—¨π—˜π—­π—’π—‘ 𝗣𝗑𝗣

Sinampahan ng kasong murder ang suspek sa shooting incident na naganap sa Brgy. Mayao Castillo noong Mayo 9, 2023.

Ayon sa ulat mula sa Lucena CPS, ang suspek na kinilalang si Mark Anthony Alzona ay pormal ng pinilahan ng kaso ng mga tauhan ng Lucena CPS sa City Prosecutor Office ng Lucena ngayong araw ng Martes, (Mayo 23, 2023)

Matatandaan na noong Mayo 9, 2023, isang shooting incident ang naganap sa Brgy. Mayao Castillo na nagresulta sa pagkakasawi ni Michael Gadia Garcia, 43, at ng kanyang dose-aΓ±os na dalagitang anak.

Samantala, pinuri naman ni Quezon PPO Provincial Director na si PCOL LEDON D MONTE ang hanay ng Lucena CPS dahil sa kanilang maagap at mabilis na pag-aksyon na nagresulta sa pagkakakilala ng suspek.

β€œNagpapasalamat tayo sa mga tauhan ng Lucena PNP, talagang nagpagod sila at tinutukan nila ang kasong ito upang maibigay nila ang nararapat na hustisya para sa mga biktima,” ayon kay PCOL Monte.

Sa isang panayam, binanggit rin PCOL Monte na mayroon na rin sinusundang mga lead ang Quezon PPO sa iba pang mga shooting incidents na naganap sa Lungsod ng Lucena.

β€œSa susunod na mga araw meron na ulit tayong masasampahan ng reklamo dahil sa mga lead na sinusundan natin… Ang inyong Quezon PNP ay hindi titigil hanggat hindi natin naibibigay ang hustisya para sa pamilya ng mga biktima ng mga shooting incident na ito,” dagdag pa ni PCOL Monte.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Lucena?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Lucena