My darkest time
Muli
Muli na naman ramdam ang pangamba...
Muli n naman ramdam ang pagod....ang panghihina...ang mga pangamba....
Dahil sa mga problema...
Wala na yatang katapusan....nakakapagod....nakakapanghina
Muli at muli at anjan lang nananatili...
ako ba ay sadyang pinili?
Sa sitwasyon itong hindi na mabali bali?
Muli babangon at sisikaping lumakas
dahil alam mong sayo lang sila humuhugot ng lakas...
ngunit ako...? Saan? Saan na nga ba?
gayong hirap ka na at wala ng malapitan pa...
Bilang na lamang sa daliri ang taong may puso at nag aalala....
Nag aalala at nagmamalasakit pa...
Ang iba hingan mo ng tulong ngunit seen ka lang nila....
Animo'y tatakasan mo at walang mapapala sayo....
Salamat na lang at merun pa na sayo ay nagtitiwala...
Dalangin ko na lamang na pagpalain ka at ibuhos sayo ang mga biyaya at pagpapala...
Salamat sayo kung sinu ka man
Batid kong alam mo kung sinu ka na patuloy na nagmamalasakit pa....
Muli at muli man ang pagdagsa ng problema...mananatiling kalma at magpapatuloy pa....
Kaya ko pa ba?
Pag iisipin ko lahat lahat parang hindi na eh....
"NAGLAHONG PANGARAP"
bawat isa sa atin ay may pangarap...
Ikaw, ako....kay daming pangarap
Ngunit....ito ay hanggang pangarap lamang at wala ng pag usad...
Maihahalintulad ko n lamang ang aking pangarap
Sa isang aralin kung saan ito ay ang "Malikhaing Pagsulat."...
Sapagkat sa imahinasyon na lamang natutupad ang aking pangarap....
Hayy ang sarap mangarap, lalo na sa iyong pag iisa..
Iniisip mo ang iyong nais at sa isip ay natupad na....mga nais mo ay Nakikita Mo sa isip...ang linaw parang totoo...
Ngunit bigla ka na lamang Magugulat na imahinasyon lamang pala ang mga ito.
Iniisip mo araw araw kung kelan na nga ba matutupad ang dekada ng pinapangarap,
Kay dami n ng araw na nagdaan....ngunit....wala....... at wala ang hinihintay na pangarap...
Kay dami na ng taong nagdaan....tuwing Umaga, araw araw, buwan buwan at Maging bagong taon pa... iniisip mo ang bagong pag asa ...
Ngunit bagong taon bagong pagsubok pala..
Kaya't minsan natanong mo na..."may Diyos pa ba?" na sa akin ay gumigiya? Ngunit nasaan? Nasaan na Sya? Ako pa ba ay kilala pa? Ako ba ay naririnig Niya? Sa mga dalanging aking nasasambit tuwi tuwina?
Ngunit dalangin ay tila hindi naririnig at kung bakit ang panahon ay kay lupit, animo'y masakit na hagupit tuwing iyong maiisip ang mga pagsubok na paulit ulit....
Gusto ko na ngang maghinanakit....
Ngunit patuloy pa din lalaban at kakapit
SaPagkat Mali na tayo ay maghinanakit
Kaya't muli ay pipikit at muli ay kakapit
Pilit mong ibabangon ang sarili at susubok ulit.
Kaya't muling haharapin ang pagsubok at muling susubok ....
Dahil alam nating kaya pa nating lumaban at may lakas pa upang lumaban
Kaya't sasabihin mo sa iyong sarili...
"kaya ko...kaya ko"!
Para sa mga pangarap ko at mga mahal ko...!
25/02/2023
Thanks to someone who write this....
Click here to claim your Sponsored Listing.