Rhyme Rover Ellie
19/04/2026
100php na ang gasolina🥴
M221
A B C D E F G
Sino bang merong pake
H I J K L M N O P
Talagang ako'y nagsisisi
Q, R, S, T, U, V
Please sorry na kasi
W X Y and Z
Bulong ko sa sarili
Ako ay laging tulala
Ang langit totoo kaya
Lumabas at tumingala
Buwan tila nahihiya
Pupunan bawat pahina
Hirap muling magsimula
Alam ko namang halata
Ika'y kanta't mga tula
Seven, nine, nine, six, six, six, six
Claim n'ya na ako'y kanyang ex
Hindi naman ako nagtext
Sa list mo'y 'di ako ang next
A to Z ang pumipila
Binili mo'y isang soya
Ngumiti at nagbiro ka
Pumila para sa isa
Isang araw sa Ayala
Kasama ating barkada
May paintings na ang gaganda
Sa periswheel kasama ka
Lalagyan ko bawat patlang
Ika'y hindi isang hadlang
Daan 'yan hindi tambayan
'Wag ka ngang paharang-harang
'Di naman napanindigan
Hindi na lang aabangan
Pumupunta man sa pang-pang
'Di na ikaw ang dahilan
Mahal, sabi mo kasi
Consistency is the key
But you know as I can see
You are salty than the sea
Nakampanti ka kasi
Pitong araw nahuli
Nag-bike sya alas unse
Meron bang impossible
Unfair na sa kanila
Tanga bang pinili ka
Wala ka bang singkwenta
Walang pang gasolina
Araw-araw 'sang buwan
Araw-araw umulan
Mag-sorry ay 'di man lang
'Di ka ba kinabahan
Pumupunta man sa pang-pang
'Di na ikaw ang dahilan
Ako ay laging tulala
Sya'y kanta't mga tula
Hirap man magsisimula
Pupunan bawat pahina
Alam ko namang halata
Buwan tila nahihiya
03/03/2026
Finally at 21 🥀🪷
In the 21st line, can I call you mine?
One, two, three
I'm empty, I'm sorry
Four, five, six
I don't know how to fix
Seven, eight, nine
Still thinking of the next line
I count from one to ten
And decided to hold my pen
Eleven, twelve, thirteen
I don't know what will happen
Fourteen, fifteen, sixteen
You're always in my dreams
Seventeen, eighteen, nineteen
Don't wanna play a game
I count from one to twenty
But still weary, I'm not ready
Twenty-one
You thought I was gone
You thought I was done
Am I an empty can?
26/04/2025
DB (Jan. 30, 2022)
Masakit ang karayom na ituturok
Ngunit 'di natakot na sumubok
Tinanggap ang iyong alok
Sa buhay ko'y pinapasok
Kinukumusta kahit pagod at inaantok
Naghahanap ng signal kahit maraming lamok
Ngumingiti nang mag-isa sa isang sulok
Dahil ikaw ang nagpinta sa paboritong look
Ngayong sa lungkot ay nalugmok
Sa mga paligsahan ay ayaw lumahok
Pinapatag mag-isa ang lupang nakaumbok
Pansin ko pati mga alipato at alikabok
Malayo, madilim at malamig
'Di mo laging naririnig ang aking tinig
Pero sa syudad ikaw ang kuliglig
Ako ay halaman na ikaw ang dumidilig
Ikaw ang dahilan kaya naniniwala sa pag-ibig
Sadyang sa'yo ay walang makadaig
Ayaw mo nga lang maniwala na 'di na lang galing sa bibig
'Di sapat kahit sa'yo lang nakatitig
Humahagulhol kapag walang nakaririnig
Gusto man 'di na mapapalawig
'Di na maibabangon at maititindig
Nakalimutan mong sa tag-ulan, 'di ako dapat dinidilig
Pero kahit walang daan para sa'ting dalawa
Ipinagmamalaki kita
Ipinagmamalaki kita
Ipinagmamalaki kita
Kahit maraming nag-iba
Ipinagmamalaki kita
Ipinagmamalaki kita
Ipinagmamalaki kita
Kulang kasi ang mga salita
Pero wala na rin akong magagawa
Bumaha na, ba't pa maghahanda
Maghihintay na lang matapos ang sakuna
22/04/2025
Sorbetes (Jan. 29, 2022)
Sarap mag swimming kahit mangitim
Mga jamming hanggang dumilim
Exciting kaya 'wag nang paghintayin
Sa saya, 'di ka mabibitin
Bakit ka marereklamo sa tag-init
Kung mga barkada mo ay malupet
Kahit crush mo 'di ikaw ang bet
Ayos lang may sari-saring gulay ang pakbet
Lunes, Martes, Miyerkules
Ang dagat ay tumatamis
Sa isip sya'y 'di na maalis
Laging miss at 'di na matiis
Ikaw ang kriminal, sya ang pulis
Mahuhuli pero 'wag masyadong mabilis
Oh sorbetes, sya'y sorbetes
Sa paningin mo sya'y the best
Wink, head bang, lip bite
'Di nagni-night life
'Di kailangan ng party light
Love right, hug tight, less fight (yeah)
Iniisip mo'y itapon muna
Kakulitan ay ilabas mo pa
Sana'y walang ebidensya't camera
Baka mapagsabihan ng mga ate't kuya
Lunes...
Minsa'y nagiging ibang tao
Pero alam pa rin mga bagay na wasto, oh
Cheers kahit tubig lang laman ng baso
Sasayawin mga tiktok na uso
Lunes...
Mahuhuli pero 'wag masyadong mabilis
'Wag namang masyadong mabilis
20/03/2025
88 [Sari-sari sa Ere] (Jan. 19, 2022)
Sa pagbangon sa umaga
Mundo'y may paalala
"Ano ba ang iyong akala,
'Di ka na bumabata, 'di naman halata."
Eh anong alam nila, anong alam nila
Nagkakalyo man, tumugtog pa ng gitara
Lahat ng pasakit ay aking kinaya
Turing ko sa sarili'y saranggola
Opo, saranggola, turing ko sa sarili
Pinabayaang lumipad-lipad ere
Sa damo ang tali itinali
'Yung bata naglaro ng puting kalapati
Lumipad na kalapati sa ibang grupo, nawili
Alam niya ang daan pauwi sa dati
'Di man bumalik, walang masisisi
Ilang beses nang tumawag, kakain si Auntie (ako'y nasa ere)
Sa salita, minsan ay matipid
Pero puso'y 'di manhid
Pansin mo ang presence at absence
Pati ang non-sense na sentence
Life is like an essay, but not easy
Kahit ako'y pa-easy-easy, 'di makakalimot kahit maging busy
Sa tingin ko'y nagulumihanan
Sa pag-iisip, magdahan-dahan
Sinasabi ko, 'di mo na malaman
Malabo pa sa tulang matalinhaga't may malayang taludturan
Pasensya na't utak ko'y may ideyang sari-sari
May anim na kulay ang bahaghari
Eh ano naman, balik tayo sa kalapati
Pero teka, may napanood pala akong movie
Pasensya na, ganito lang talaga
Minsan tahimik, minsan ang daldal talaga
Nanood ka ng Attack on Titans, 'di ba?
Mabagal na lakad ng higante'y normal lang sa kanila
'Wag mong tirisin ang langgam, reality nila sa’tin ay iba
Ilang segundo sa'tin ay ilang taong paghihirap nila
Kwento'y sa langgam lang nagsimula
Mamaya buong kalawakan na
Alam mo ang relationship ng space and time, 'di ba?
'Di ko pa alam kung bakit mapait ang ampalaya
(So, paano yung puting kalapati?)
(Sandali.)
Marami akong nabasa sa philosophy
Metaphysics, ethics, epistemology
Science, math, reality is full of glee
I'm not in religion who put decorations on Christmas tree
'Di pa, 'di na ata babalik ang kalapati
'Pag 'di ako pinuntahan at sinuyo sa aking birthday
Sa ex ko'y mawawalan na ba 'ko ng pake? (scary)
Panalo ba ang sayang o 'di na bale?
Pito ang kulay ng bahaghari
'Di mo napansing sinadya kong sabihin ang mali
Sinabi mong napansin mo dahil ika'y mapagkunwari
Puso'y dalawang beses nang nahahati
Lumilipad-lipad pa rin ako sa ere
Nagbabakasakaling maputol ang tali
'Di pa rin alam kung saan mananatili
Ako'y isang waterlily
Ang tanda ko na, 'di ko pa rin tanda ang mga tanda
'Di pa masyadong nasiyahan sa pagkabata
Baka sakaling may dumating na diwata
May mahikang dalang walang daya
Ako sana'y pagpasensyahan pa
'Wag mong sabihing baka maubos ang mga letra
At i-summary ko ang aking nobela
Dahil kaya kong tumahimik hanggang mamatay ang isang tala
Ang bituin ay napakarami
Isipin siya'y aking bagong hobby
Napupuyat kahit walang duty
Bakit siya'y nasa isip na parati?
Yakap aking unan at 'di mapakali
Siya ba'y 'di na importante?
Huni ng mga ibon ay may dalang mensahe
Alam ko kung paano matatapos itong pantaserye
Ako'y walang dugong maharlika
Pero minsan ay tinatawag na prinsesa
Paanong 'pag kasama ako sa ulap nakapagduyan ka
Nasabi pang ako'y kasama mga tala
Paanong ang tayo'y isasalba
Kung sa parehong sala'y paulit-ulit ka
Mahal pa rin pero napapagod na
Gumawa man ng daan, parang 'di para sa isa't-isa
'Di ko na alam ang landas na tatahakin
Sapat man ang alam, 'di alam ang pipiliin
Pati pangalan ko'y 'di ko matawag na akin
Ikaw ay akin, pero parang hindi rin
Ihip ng hangin, naligaw sa'kin, sinong salarin?
Ang sakit saan ihahambing?
Lumilipas ang ambong saya ng damdamin
Kung manatili, sa wakas baka ako'y papalarin
01/03/2025
Ag Age (Jan. 28, 2022)
I can't believe I'm already twenty-five.
Thought two years from now, I'll be his bride.
Now I'm following another guide,
Hope it will bring me to the brighter side.
Said that marrying a rich man is nice,
Replied that I'm looking for "tupasi" in well-milled rice,
And I just can't jeopardize myself thrice,
That I have to create my own paradise.
Don't worry, I'm good.
I have essential oils to uplift my mood.
I love the scent of cedarwood.
Got this 'If I could, then I would.'
Sometimes words hurt like a knife,
But I don't want to put too much pressure on life.
Done with "I love you as my mother and see you as my wife,"
But still thankful for being their temporary light.
The world says I need to become somebody.
I have friends, but not many.
Well, it doesn't mean I'm bad company.
I could love a hundred times more than the life of an oak tree.
28/02/2025
Pareho
Bagong mga pahinang blangko, isang daan at limampu.
Magsusulat ba ako tungkol sa mga dating tagasuyo?
Sa mga sitwasyong humirap at lumabo,
Sa mga pangakong nasira at napako.
Dito'y alam kong hindi ka interesado,
Totoong wala namang magbabago.
'Di ko rin naman nais makilala ng mga tao,
'Di ko nais ipakita lahat ng aking mga litrato.
Gusto ko lang ibahagi kung paano natuto,
Sabihin ang ilang pagkatalo pero panalo.
Kung ako lang, bakit ko sasabihin 'to?
Pero baka may mapulot kang aral kahit kapiraso.
Ako'y hindi isang politiko,
Walang pakialam kung may mga taong hindi ako gusto.
Basta ang bayad at sukli, alam ko kung magkano,
Dahil kapag bumibili, 'di naman laging may resibo.
Mahalaga ka pa sa ginto, kaya lalong hindi ka tanso.
Kapag ako ay nawala, ayaw kong sa luha'y may maligo.
Ako'y karaniwang tao na may mabuting puso,
Marahil dahil alam ko pareho ang ginhawa at abuso.
Ang paggising na may pagkain na sa plato,
("Ate Lisa/Reinalyn/Arlene, anu 'yung isura ta nguwan?")
Air-conditioned kaya malamig ang kwarto,
Nabiling damit sa SM, higit pa sa (1200php) One-two.
Punta ng party, beso-beso.
Pero alam kong makisalamuha sa mga tao sa kanto,
Marunong magluto sa maraming abo.
Sa eskwater na maraming ipis, ako'y mahigit dalawang linggo,
(Sa 7-Eleven na lang nagpapa-umaga dahil maraming ipis kapag umulan doon sa aking kaibigan.)
Sa tanghali, ramdam ko rin ang init ng mga yero.
Isinaulo ko ang aking mga napagtanto:
Nakakabili rin ng magandang damit sa ukay ang pera mo, kahit bente o sampu.
Kahit ang ibang mayayaman, gusto at kumakain rin ng tuyo.
Para umasenso, galingan natin ang pakikipagbuno.
Sa mga mapera, 'di ako bitter dahil sila'y nagtrabaho,
Pero sana ang pagod at kilos nila'y akma sa sweldo.
At kapag lumago ang kanilang mga negosyo,
'Wag sana nilang kalimutang tumulong sa mga taong natutulog sa sako.
'Di ko kailangan ng taga-hanga at magkakagusto nang husto,
'Wag na 'wag mo lang sabihin na 'di ko alam ang nararamdaman mo.
Dahil ang taas, gitna, at baba ay pinuntahan ko pare-pareho.
Yumaman o maghirap, ang mahalaga laging nagpapakatao.
27/02/2025
M A, M I, M T
Ang mabuhay ka sa mundo, pakana ba ng mga hari?
Nang upang sa kanila'y may magsibli at pumuri
Ang mamulat sa magulong pamilya'y talagang 'di madali
Na kahit kaarawan mo'y 'di ka nila binabati
Minsa'y nagtatanong ka, tadhana ba'y minsang ring nagkakamali?
Ang regalong buhay mo'y 'di ikaw ang pumili
At maraming tanong ang sa bibig mo'y namumutawi
Umaasa ka ba talagang may ginto sa dulo ng bahaghari?
Malalalim na sugat at pagkabigo kahit wastong daan ang pinili
Sa tabi mo ba'y wala ni isang totoong nananatili?
Kung may nais tumulong lagi bang may pasubali?
Kung gayo'y payag ka ba talagang tuluyan nang magapi?
Kakanan, kakaliwa, teka sandali
Aatras, aabante, para bang may mali?
Takot ka na bang umaksyon nang kahit kaunti?
Ngunit alam mong sa 'di paggalaw, 'di ka rin magwawagi
Minsa'y iniisip mong wala ka nang sibli
Kahit anong gawin mo'y 'di maganda ang nangyayari
Pinagkakaitan ng swerte kahit anong diskarte
'Di mo mapakinabangan kahit nagtapos kang Cum Laude
Puso mo'y kay raming hindi sinasabi
Sapagkat ilahad mo ma'y tila wala ring iintindi
Sarili'y pinapatahan gamit ang imahinasyon at guni-guni
Sapagkat pagod sa paimpit na iyak, mula umaga hanggang gabi
Alam mong lahat nang manganganak ay kailangan masaktan at umiri
Subalit sayo, ang mundo'y may pasakit na doble-doble
Ayaw mong hilinging ipasa sa iba ang sakit na matindi
Nais mo lamang magkaroon ng tunay na kakampi
Ang daigdig ay punong-puno ng liko at pagkukunwari
Ngunit alam mong marami pa rin ang may malilinis na budhi
Mga mabababang loob at pusong mapagkandili
Tulad mo, sila'y nag-iingat sa patibong at 'di nagmamadali
Sa mga kaibigan, ang problema ay ayaw mong ibahagi
Sapat na sa'yong sa kasiyahan nila'y ikaw ay makihati
Minsa'y takot ka dahil 'di mo batid kung sino ang tunay at hindi
Tiwala'y nawasak ng taong sa una'y kabigha-bighani
Ngayo'y 'di ka mapakali at sa gagawing hakbang laging nag-aatubili
Napagpasyahan mong maging kaibigan sa sarili
Mag-isang hinahabi ang pira-piraso mong mga parte
At pinipilit mong ika'y muling magpursige
'Di ka perpekto ngunit ika'y importante
Nahihiya ka sa sarili at nagsisisi
Nang minsang mapuno at akmang gaganti
Dahil anumang sama nila, ang gumanti alam mong 'di mabuti
Pinipili mo na bang umasang may sasagip sa puso mong api?
Pumapayag ka na bang sa sarili'y magtiwalang muli?
Nang mabigyang pagkakataon ang mga pusong may mabuting minimithi
Dadalhin ka sa tahanan na kung saan maaari kang manatili
25/02/2025
MD MB (Jan. 30, 2022)
Mga bagay na 'di ko saklaw
Minsan sila, minsan ikaw
Minsan malalim, minsan mababaw
Minsan dilaw, minsan bughaw
Minsan gusto, minsan ayaw
Minsan prito, minsan ihaw
Minsan adobo, minsan sabaw
Pero kailangan mong gumalaw
Minsan gutom, minsan uhaw
Minsan sitaw, minsan bataw
Minsan maulan, minsan maaraw
'Pag sa'yo huwag mong payagang maagaw
Minsan hinog, minsan hilaw
Minsan mag-isa, minsan may dalaw
Minsan mainit, minsan maginaw
Inabusong anghel na naging halimaw
Minsan agila, minsan kalaw
Minsan baka, minsan kalabaw
Minsan totoo, minsan paimbabaw
Mag-ingat upang 'di maligaw
Minsan kanin, minsan lugaw
Minsan lumulubog, minsan lumilitaw
Minsan malabo, minsan malinaw
Saan man magpunta dalhin mo ang iyong ilaw
Minsan matipid, minsan matakaw
Minsan nabuo, minsan natunaw
Minsan naitago, minsan nanakaw
Kahit galit huwag manigaw
Minsan kanta, minsan sayaw
Minsan nagkulang, minsan umapaw
Minsan nananatili minsan bumitaw
Sa ulan tayo'y magtampisaw
Dahil 'di ko saklaw
Dahil 'di lang minsan ang ikaw
Dahil ikaw 'di man tanaw
Dahil minsan dilaw, minsan bughaw
(K, K, K) Kapwa, Kaibigan, Kapatid
Ang simoy ng hangin ay naglalambing gaya ng itinatagong damdamin sa kawalan
Tahimik na nagpapahayag, taimtim na nagaabang
Ang mga tagong suyuan ay parang walang katapusan
Tulad nang pagtitig sa kalawakan, paghanap sa dulo ng karagatan
Mga kilos mo'y may halik subalit may pag-aalinlangan
Inaanod ka ba ng baha't alon ng 'yong kasalukuyan?
Idilig mo, mahal, sa ulap nang madama ang bigat ng kabiguan
Pagdaka'y uulan, ituring mong pagdamay ko iyan
Sabihin mo sa alapaap at wala s'yang nakakaligtaan
Ang sakit ng damdamin mo'y mauunawaan
Ibulong mo pa rin ang laman ng 'yong puso't isipan
Bago pa dumating ang wakas nito at iyong pagsisihan
Alin ba talaga ang iyong sinusubukan?
Ang talim ba ng karayom o ang tagal nang paghilom?
Mahal, ang pagpapasya ay nasa iyo lamang
Subalit bago ako mawala't magpaalam
Itong sasabihin ko'y iyong pakatandaan
Itatak sa'yong isipan at 'wag na 'wag mong kalilimutan
Pasayahin mo man ang lahat sa mundo
Iangat mo man ang mga mithiin at adhikain mo
Sa isang pagkakamali mo'y ilulugmok ka pa rin nito
Kabutihan mo'y isasawalang halaga kahit pa sanlibo
Alam kong alam mo rin ito, sa kabutiha'y 'wag kang magbago
Maging maingat lamang sa pakikipagkapwa-tao
Ibulos mo ang talinong pamana nang pagluha mo
Higit pa sa iniisip mo ang inaambag mong talento
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Libmanan
4407