Dong Padilla
Maraming salamat po sa inyong lahat sa mainit na pagbati at pakikiisa sa aking kaarawan. Lubos po akong nagpapasalamat at nagagalak sa pagkakataong maipagdiwang ang espesyal na araw na ito sa piling ng ating mga kababayan, at higit sa lahat ng ating mahal na pamilya.
Ang inyo pong presensya, suporta, at pagmamahal ay tunay na biyaya na aking pinahahalagahan.
01/06/2026
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pagbati, panalangin, at mabubuting mensahe sa aking kaarawan. Tunay pong nakakataba ng puso ang inyong pagmamahal at suporta. Kasama po ng aking pamilya, lalo na ng aking asawa at mga anak, taos-puso po akong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo, pati na rin sa ating mga kasamahan sa pamahalaan na patuloy na nakikiisa sa ating mga adhikain para sa Camarines Norte.
Kung may isa po akong kahilingan sa aking kaarawan, iyon po ay ang pagkakaisa. Sana po ay patuloy tayong magtulungan, magkaunawaan, at magsama-sama para sa ikabubuti ng ating lalawigan. Marami pa po tayong kailangang gawin at marami pa tayong mga pangarap na nais maabot, ngunit naniniwala po ako na walang hamon na hindi natin malalampasan kung tayo ay magkakapit-bisig at magkakaisa bilang isang lalawigan.
Kaya naman sa darating na Hunyo 12, ilulunsad po natin ang “ One CamNorte Movement ”, isang panawagan para sa bawat CamNorteño na maging bahagi ng ating sama-samang paglalakbay tungo sa mas maunlad na kinabukasan. Magkakaiba man po tayo ng pananaw, pinanggalingan, o maging ng kulay sa politika, iisa pa rin po ang ating tahanan at iisa rin ang ating pangarap para sa ating mga pamilya at sa susunod na henerasyon.
Sana po ay patuloy nating piliin ang pagkakaisa, ang pagtutulungan, at ang malasakit. Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at tiwala. Sa tulong ng bawat isa, sama-sama nating mabubuo ang isang maunlad, matatag, at nagkakaisang Camarines Norte.
Ang mga gusali, ospital, at daan sa atin pong lalawigan ay bunga po ng ating pinagsama-samang buwis at pagsisikap. Kaya maraming salamat po muli sa inyo dahil nabigyan po natin ng bagong Stage at Covered Court ang San Mauricio Elementary School sa Bagong Bayan, Jose Panganiban, na magsisilbing espasyo para sa pagkatuto at paghubog ng ating mga kabataan.
Patuloy po nating itataguyod ang serbisyong “Alay sa Diyos, Alay sa Bayan,” para po sa bawat kabataang nangangarap at sa bawat CamNorteño na nagsusumikap sa buhay.
Click here to claim your Sponsored Listing.