SiDi

SiDi

Share

Thanks

08/06/2026

itago moko sa pangalan Lucas 32 yrs old isang negosyante , Ako yung hindi marunong magsugal pero sumugal kase sakin iniwan lahat ng mga kapatid ko sa ina at yun ay lima kasabay ng apat na anak na binubuhay ko at asawa ,

ako ay isang negosyante na kumikita ng minsan sobra minsan sapat pero ang hanapbuhay ay seasonal kaya pag taglakas kelangan magipon dahil dumarating din ang buwan ng tag hina as in walang benta kaya kung may ipon ka makakaligtas ka sa panahon ng krisis hanggang sa makabalik ito,

Sa kadahilanan 9 na responsibilidad ang nakaatang sa balikat ko sumusugal ako sa sugal na di ko naman alam , nagbabakasakali na makapanalo kahit konti pandagdag sa panggastos , kaso ang napatunayan ko sa sugal ay papapanalunin ka lang talaga ng konti pero tatalunin ka ng sobra , kaso wala eh ikaw ba naman lahat buhat ng mamatay yung lola at mama mo tapos wala kapang tatay, di mo naman pwedeng pabayaan yung mga kapatid mo dahil masakit sayong makitang wala ng maaring mag asikaso sa kanila ,

ang aral lang sa buhay , kahit na anong mangyari ano man ang hirap na danasin wag na wag isasa alang alang sa sugal ang pera na pinaghihirapan lalo meron mga batang magugutom kung sakaling maubusan at hatakin ka ng sugal. matutong mamaluktot kung maiksi ang kumot ✅

07/06/2026

Hello po, ako si Roger, isang VIP Driver (Private). Ang dami ko nang utang.

Dalawang guard, parehas sa isang SG — 20k ang principal, 7k ang tubo kada kinsenas. 2,700 ang hulog, 5 buwan hulugan.

Sa isa pang SG naman, 20k din, hulog kada kinsenas na 2,500 sa loob ng 5 buwan.

Sa kapitbahay ko, sangla ATM na 20k, may 6k na tubo at tatlong hulog lang.

Tapos sa isa pang kapitbahay, 10k.

Sa ibang katrabaho naman, siguro nasa 15k.

Kulang na kulang ang sahod ko na 14k kada kinsenas na sasahurin. Nakakabaliw mag-isip. Sobrang stress na ako, feeling ko may anxiety na ako. Kahit puyat, hindi pa rin makatulog.

Advice n’yo naman po, hindi ko na alam ang gagawin. Sinira ng sugal ang buhay ko. Napabayaan ko na ang pamilya ko. Gusto ko kasing gumaan agad ang buhay namin kaya napasugal ako. Kapag may pera, napapasugal ulit ako, pero bandang huli, nadadagdagan lang ang utang ko. 😢

Want your business to be the top-listed Media Company in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Imus
4103