GNC Secret Files

GNC Secret Files

Share

23/08/2025

ALWAYS IN THE PICTURE , BUT NEVER IN THE FRAME

We met in the simplest way — classmates na naging tropa, tropa na naging almost-family. Sa lahat ng events, sa lahat ng gala, sa lahat ng low moments at high moments, nandun ako. Hindi siya sanay na wala ako sa tabi niya.

And honestly, I loved it. I loved being the person he could always count on. Yung tipong kahit madaling araw, kapag nag-chat siya, I’d reply. Kahit pagod ako, I’d still listen. Kahit busy, I’d still show up. Because that’s what you do for someone you care about.

•Read the full Confession in the comment section below👇•

18/08/2025

GNC NIGHT TALK #1 🌙

“Hindi lahat ng alaala sa GNC ay galing sa libro at exam.
Minsan nasa pila sa canteen, sa init ng covered court, sa tambayan ng tropa, o sa simpleng kwentuhan habang naghihintay ng prof.

Kung alumni ka man na miss na miss ang mga ganitong eksena, o estudyante pa na kasalukuyang dumadaan dito — lahat tayo may baon na GNC story na hindi malilimutan.” 💭✨

👉 Tanong sa lahat ng GNCians (past & present):
Ano ang pinaka unforgettable memory mo sa GNC — masaya man, nakakatawa, o kahit stressful?

Comment mo na! 😉

---

17/08/2025

Secret Files #3
THE ONE I COULDN’T KEEP
Angela’s Words for Carlo

Hi Carlo,

Ewan ko kung tama bang sinusulat ko pa 'to, pero baka ito na lang yung paraan para masabi ko lahat ng hindi ko nasabi noon.

Alam mo, sa dami ng araw na magkasama tayo — sa klase, sa canteen, sa mga lakad na hindi naman planado — hindi ko in-expect na ikaw yung magiging pinaka-mahalaga sa lahat. Hindi ko nga rin alam kung kailan nagbago. Basta isang araw, napansin ko na lang… masaya ako basta nandyan ka.

Pero dumating yung point na kailangan kong pumili. Pinili ko yung future na inaasahan ng pamilya ko, yung opportunities na minsan lang dumating. At sa pagpili ko nun, ikaw yung hindi ko nasama. Hindi dahil hindi kita mahal, kundi dahil natakot akong piliin ka sa oras na hindi pa ako handa.

Ngayon, naiisip ko pa rin — paano kaya kung lumaban ako? Baka tayo pa. Baka hindi. Pero ang alam ko, Carlo… ikaw yung “what if” na dala ko habang buhay.

Pasensya na kung na duwag ako. Pasensya na kung hindi ako lumaban para sa’yo. Pero sana kahit paano, maalala mo na minahal din kita, kahit hindi naging tayo.

Hindi ko alam kung mababasa mo ‘to, at okay lang kung hindi. Pero sana balang araw, even if we never ended up together, maalala mo na may isang taong minahal ka nang tahimik pero totoo.

Ikaw yung TOTGA ko. At siguro… okay na rin kahit hanggang dun na lang.

— Angela

---

Confidential

17/08/2025

Secret Files #02

Title : Kapag ang prof. ang problema

We have this prof na super homophobic, egoistic, narcissist, body shamer, cheater (sya mismo nag-kwento sa amin), and so on. Everytime na may schedule kami sa kanya, ay mas gugustuhin nalang namin na mag-absent o dahil sa kanya minsan napapa-isip kami na lumipat ng school. Sometimes may mga point sya na talagang mag-aagree ka, pero madalas pointless.

Sinasabi niya mismo kung gaano nya kaayaw sa mga babae, at minsan ipinapakita niya kung paano niya i-down grade ang mga babae. At yung subject nya is science, pero pinapasok nya lagi si God sa lectures. Okay lang kung ganoon, pero wag naman sa point na nag-contradict yung subject sa ginagawa nya.

Yung jokes niya na about r@₱€, lalo na sa pag-victim blaming niya sa mga students na na-sexual assault yun talagang nakaka-inis. May mga pagkakataon din na tinatawag niya ang mga students niya ng "bobo", "tanga," at "muting" at minamaliit niya ang mga co-workers niya. Ipinagyayabang pa niya na ayaw daw siyang alisin ng school.

Okay lang tawagin kaming bobo or what sa class, pero wag naman pahalatang oldies na kayo dahil sa pananalita at ugali. Wag rin ipagmalaki ang cheating at personal na buhay sa klase at sabihing lahi niyo lang ang anak niyo. Actually wala pa yan sa mga below the belt niyang mga jokes. kulang pa siguro ang 90+ pages ni hamilton about sa cheating issue na pinagsasabe niya sa klase. Wag ding i-judge ang opinion ng iba, kaya nga opinion, ibig sabihin walang tama o maling sagot. kung may bobo, muting at tanga po here, ikaw po yon.

16/08/2025

Secret File #01
Professor Goals

Meron kaming prof na sobrang chill pero ang dami naming natututunan. Hindi siya naninigaw, hindi nang-iinsulto, at lagi siyang may kwentong nakakagaan ng loob bago mag-discuss. Sana lahat ng prof ganito, kasi ang gaan mag-aral pag alam mong may respeto yung teacher sa estudyante.

📌 Disclaimer: All posts are submitted anonymously. The page does not claim ownership or verify the authenticity of the content.

Want your business to be the top-listed Media Company in Guagua?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Guagua
2003