Kahilom
29/07/2021
Mayroong mga pagkakaton talagang nais nating mag-isa. Manood sa sine, kumain sa labas, magbasa, gumala, at magsaya, hindi ito kalabisan sapagkat hinahayaan mong damhin ang sarili. Sa gitna ng mga ingay na dala ng buhay, hindi masamang harapin ang iilang hamon, at pagtangis na mag-isa. Kaya naman tangan ang ako, iiyak, madadapa, at maghihinagpis ng paulit-ulit, ay kakayanin dahil kaisa mo ang iyong sarili.
05/04/2021
Para sayo,
Malamig ang dampi ng hangin sa balat ko, at habang nilalamig ang pakiramdam ko ay siya namang pag-init ng puso sa mga sandaling naiisip kong malapit na naman ang eleksyon. Tintang nagmamarka sa mga hinlalaki at hintuturo, at sa ating kasaysayan. Inaamin ko, kinakabahan ako sa hindi mawaring paraan, marahil sa mga panahong ito, sa mga sandaling uunahin nating isipin ang kalusugan at mag-iisip ang karamihan sa kung paano ang kanilang bukas, ito ako at lumuluha para sa bayang tumatangis, para sa mga buhay na nawala, sa tinig na naglaho, at mga pangarap na nasira. Hindi na ako siguro sa kung ano ang hatid ng bukas, ngunit iisang bagay ang sigurado ako, naniningil ang kasaysayan, at hindi habambuhay matatago ang katotohanan.
Buo ang loob ko matapos akong makaparehistro, sa palad ko hawak ang maliit na papel na nakasaad ng aking prisinto. Matapos ang mahabang pila, sa wakas isa na akong ganap na botante at hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na isa ako sa huhubog ng kinabukasan. Ngunit hindi ko maiwasang manibugho sapagkat sa kung anong galak ko sa pagbabago ay siya namang kawalang kumpyansa ng ilan. Paulit-ulit lamang ang sistema ikanila, at hindi na naniniwala sa kapangyarihan ng masa. Ang ganap na kapangyarihan raw ay hawak na ng illan sa pwesto at hindi na yaon mababago, ngunit pilit kong pinaglalaban na hindi ganoon ang kaso dahil hanggat may taong nangangarap at gumaganap para sa Bayan ay patuloy tayong lalabas sa pasismo, sexismo, at para sa iyo.
19/02/2021
Nakatingala ka sa puno ng mangga at binibilang mo ang mga hinog na bunga. Nakasakay tayong dalawa sa duyang ilang taon na ang tanda. Matamis kang ngumiti at tumayo, kinuha mo ang panungkit, at tila kaibigan mo ang puno at ibinigay lang sa iyo ang mga mangga. Binalatan mo iyon at nilagay sa mangkok na may toyo at hiniwa sa paraang gusto ko. Alam mo iyon. Hindi magkamayaw ang kwento ko sa iyo, hindi maubos ang mga salitang nais kong sambitin sapagkat kulang ang ilang linggo upang pagkasiyahin ang mga alaalang nais kong isalaysay. Isang beses kada taon at maswerte kung dalawang beses kami uuwi sa probinsya, at sa wakas magkikita tayo.Maglalaro tayo nang tago-taguan at kahit alam mo naman ang lugar na pinagtataguan ko hindi ako ang nagiging taya dahil huli akong nakikita. Naglakad tayo sa dalampasigan at tanging tunog ng alon ang naririnig ngunit payapa iyon para sa atin. Alam mo iyon. Nangangrap tayong gising, sinukat ang mga sapatos na malaki pa sa atin habang tanaw ang mga punong umiindak sa kumpas ng hangin. Sumayaw sa maliw ng musikang dala ng mga lasing. Ikaw rin ang kasama ko sa unang pag-angkas sa habal-habal na ayaw ni mama. Pumitas ng santan ang ginawa nating korona. Sinisilong natin ang mga kambing mo tuwing hapon, at sabay tayong magsisipilyo malapit sa poso tuwing gabi. At sa pagpatak ng ulan, kukunin mo na ang kandila at posporo kasama ang katol dahil mawawala na naman ang kuryente, mamumutawi na naman sa iyong mga labi ang mga istoryang nakakatakot. Magkasama tayo roon at alam mo iyon. Isang bakasyon, hindi na kita naabutan, lumuwas ka na raw ng Maynila at buhat noon hindi na tayo nagkita.
Soleil, natataandan mo pa kayang magkasama tayo noong mga panahong iyon?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Cavite, 4109
you're going to make it trust me.
San Antonio Boulevard
Cavite
HELLO MOOTS!! READ MY AU STORIES HERE IN MY PAGE THANKYOU(β ^O^β )
Cavite
KAHIT ANONG GAWIN MO MAY MGA TAONG HUHUSGA'T HUHUSGA PARIN SAYO^.^ OPEN YOUR EYES THEN YOU'LL SEE HOW TOXIC AND CRUEL THE WORLD IS^.^
Cavite
Making contents in different arts of storytelling. Official announcements page & so on.
Cavite
Hi! Updates, announcements and discussions about Oaxygenknight's stories will be posted here!
Cavite, 4102
Imaginative story. A fiction. The author uses imagination to create characters and invent scenes to
Cavite
People like me and you, we're different. We're original thinkers; we don't need to be validated as lo