Kons Kiko Loria
05/06/2026
May 19, 2026
Brgy. Sta. Maria Calauag, Quezon
Quezelco 1 IEC Campaign and CSR Project Turn Over.
Dumalo po at buong lugod na nakiisa ang inyong lingkod sa aktibidad ng Quezelco 1 na laan para sa kagalingan ng komunidad sa pamamagitan ng mumunting proyekto pra sa ilang piling mga barangay, paaralan, samahan at MSK. Kagalakan ko din pong maging instrumento sa pagpili sa ilang benipisyaryo. Salamat po sa Quezelco 1 sa pangunguna nina AGM Engr Victor Cada BOD President Dr. Leo Leopando at District 7 Director Cenon Allan V. Loria
05/06/2026
May 25, 2026
Adyo Calauag Alimango Festival! 🦀
Bilang inyong kinatawan sa Sangguniang Bayan, lubos po akong nakiisa sa isinagawang pagdiriwang ng Adyo Calauag Alimango Festival 2026. Payak man po ang mga naging kaganapan, nawa’y hindi mawaglit sa ating isipan ang kahalagahan ng ganitong pagdiriwang. Umaasa po tayo na sa susunod na mga taon ay maibabakik po natin ang kulay at sigla ng natatanging araw na ito.
16/05/2026
May 1, 2026
Sitio San Jose Brgy. Tiniguiban Calauag, Quezon
Sitio Patronal Fiesta
Bilang pagtatangi sa tradisyon at kultura ng ating mga pamayanan, nakiisa po ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sitio San Jose sa pagdalo sa Banal na Misa at pakikisaya sa payak na pasinaya. Salamat sa inisyatiba ng mga pribadong mamamayan at sa tulong ng pamunuang pambarangay sa payak subalit makabuluhang pagdiriwang.
15/05/2026
May 12, 2026
Brgy. Biyan Calauag, Quezon
3x3 Basketball Tournament
Kagalakan kong makapagbigay ng munting kontribusyon sa magandang layunin ng pamunuan ng Bgry. Biyan para sa kanilang mga batang manlalaro. Sa kahilingan ni PB Vina Hernandez ay nagkaloob po ang inyong lingkod ng basketball upang magamit ng mga batang manlalaro sa nasabing paligsahan. Ito po'y silbing payak na simbolo ng aking hangaring maiangat ang isports sa hanay ng mga bata at kabataan.
15/05/2026
April 26, 2026
Brgy. Capaluhan Calauag, Quezon
Barangay Fiesta
Bilang pagtatangi sa kultura at tradisyon sa ating mga pamayanan, dumalaw po ang inyong lingkod sa Capaluhan upang makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng kapistahan ng barangay. Maraming salamat po kina PB Ader Marana, Pangulong Gil Paulite ng Samahang Mangingisda at mga kabarangay sa mainit na pagtanggap sa akin at sampu ng mga kasama ko
08/05/2026
April 24, 2026
Bulwagang Manuel Luis Quezon
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony Districts 3,5 & 6
Sa aking kakayanan bilang Pangulo ng SB Committee on Women Family Children and Social Welfare, buong galak po tayong nakiisa sa munting tagumpay ng ating mga batang completers. Bilang isang lingkod bayan, ang mga batang ito ay mahalagang bahagi ng aking inspirasyon. Hangad natin na lubos na masubaybayan ng ating lokal na pamahalaan ang patuloy na paglago ng mga batang ito na magsisilbing sandigan ng ating kinabukasan.
08/05/2026
April 23, 2026
Bulwagang Manuel Luis Quezon
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony Districts 2,4 & 7
Bilang suporta sa mahalagang programa ng Lokal na Pamahalaan at pagkalinga sa pangarap ng ating mga bata sa ilalim ng ECCD, dumalo po at nagbigay inspirasyon ang inyong lingkod sa natatanging okasyon na ito. Pinatunayan natin minsan pa na sa pagtutulungan ay abot kamay lang ang tagumpay. Mabuhay po ang lahat ng batang completers mula sa Districts 2,4 at 7.
06/05/2026
April 30, 2026
Conference Room Municipal Hall
Ladderized Training Session on Workers Organization Development Program
Bilang pakikiisa sa pinagsanib na layunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Pamahalaang Bayan, dumalo po ang inyong lingkod sa pangalawang araw ng pagsasanay na dinaluhan ng iba't ibang rural workers associations and Civil Society Organizations o CSOs. Naniniwala po ako na ang aktibidad na ito ay malaki ang maiaambag sa patuloy na pagpapaunlad ng mga samahan sa ating bayan.Isang pagpupugay po sa lahat ng naging bahagi nito.
01/05/2026
April 23, 2026
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony Districts 8-9
Bilang pagpapahalaga sa mga batang completers mula sa 2 Distrito, dumalo po at nakiisa ang inyong lingkod sa pagtitipong nagtampok para sa kanilang panimulang tagumpay. Sa aking kakayahan bilang Pangulo ng Committee on Women Family Children and Social Welfare nagbahagi po ang inyong lingkod ng mensahe upabg bigyang inspirasyon ang mga batang ECCD ganoon din ang kanilang mga magulang. Salamat po sa lahat ng Sangguniang Barangay ng Districts 8 at 9 ganoon din sa Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng MSWDO sa patuloy na tuwangan para sa kagalingan ng mga bata sa ating pamayanan.
26/04/2026
April 22, 2026
Bulwagang Manuel Luis Quezon
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony -District 1
Bilang Chairperson ng Committee on Women Family Children and Social Welfare, dumalo po at nakiisa ang inyong lingkod sa napakahalagang pagtitipon na ito para sa mga ECCD completers sa Poblacion Barangays. Nasaksihan natin ang nag uumapaw na kaligayan ng mga bata ng kanilang mga magulang at ng ating masisipag na ECCD workers dahil ang nasabing okasyon ay testamento ng tagumpay ng pagtutulungan para ating minamahal na mga ECCD children. Bilang isang dati ring "batang Day Care" lubos din ang aking kasiyahan na maging bahagi ng ganitong okasyon na nagbibigay pahalaga sa mga batang sumisimbolo sa kinabukasan ng ating bayan.
Congratulations po sa mga ECCD Children ng Distrito 1. 🩵🎉
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4318