TogetherWith MommyCess
25/10/2021
Hi mga inay! I'm Mommy cess full time sa 2 girls 🤗
Hindi po ba sobrang hirap na kumita ngayon maraming nawalan ng trabaho. Nagtaasan na lahat ng bilihin pati kuryente atbp.
Share ko lang ang aking tipid hacks as a mom!
Nakilala ko si CLOTH DIAPER 1 year ago dito lang sa social media. Sumali ako sa mga groups at Mom forum. Sa pagbabad ko sa FB dami ko natutunan kasi preggy ako that time hilig ko magbasa about motherhood. Ngayon na-apply ko na siya ito ung mga bagay na hindi ko nagawa doon sa panganay ko kasi wala pa akong sariling pera at nagaaral pa ako sa college. Ngayon nakagraduate na wala pa rin akong work kasi nasundan agad ang ung panganay ko pero ok lang kasi hindi naman kami pinababayaan ng husband ko. At natututukan ko pa ang mga anak ko. Moving forward Kung WFH at FULL TIME HOUSEWIFE ka? Mag switch ka na sa cloth diaper malaki ang masasave mo dito. Kelangan mo rin ng oras sipag at tiyaga at syempre invest ka para sa mga magagandang quality ng cloth diaper. Malalaman mo ung Tipid Hacks kapag may naipon ka na, na cloth diaper at hindi ka na takot mawala ang disposable diaper. Kelangan mo lang labahan,ibilad then pwede mo na ulit gamitin. O diba nakatipid na nakatulong ka pa sa kalikasan. 🤎💛