Stylista
17/02/2026
📢 IMPORTANT WARNING SA LAHAT NG CREDIT CARD HOLDERS! 📢
KAHIT SINO, PWEDE MA-HACK!
Gusto ko lang mag-share para maging aware ang lahat at hindi maging kampante. Kahit gaano ka pa kaingat, pwedeng mangyari ito sa kahit kanino. 😱
Nagulat na lang ako nang silipin ko ang Statement of Account ko may tatlong (3) unauthorized charges mula sa Amazon Luxembourg
(total ₱5,306.28).
Bakit ito nakakatakot?
❌ WALANG OTP/TEXT na dumating para i-confirm ang payment.
❌ HINDI NAG-NOTIFY ang bank via email noong ginamit ang card.
❌ NASAKIN ANG CARD, pero nagamit pa rin ng hacker ang details ko.
Status Update:
✅ Na-report ko na sa bank at PERMANENTLY BLOCKED na ang card ko para safe na.
✅ Sabi ng bank, AWTOMATIKONG I-RE-REVERSE nila ang charges habang iniimbestigahan ang dispute.
✅ Magpapadala sila ng REPLACEMENT CARD sa billing address ko.
Paalala sa lahat:
Huwag lang umasa sa text o OTP dahil may mga transaction na hindi na nanghihingi nito. Ugaliing mag-check ng SOA buwan-buwan para ma-spot agad kung may maling bawas.
Ingat po tayong lahat! 🙏
18/12/2025
Share ko lang, baka kailangan mo ng tawa 😆
15/12/2025
Naka-discount ngayon bilisan mo na.😜
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
3023