MNHS SHS - SamaFil

MNHS SHS - SamaFil

Share

Photos from MNHS SHS - SamaFil's post 31/03/2026

Padayon Ka-Sama!

Sa pagtatapos ng kanilang paglalakbay sa Senior High School, buong pagmamalaki na ibinabahagi ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SamaFil) ang pagkilala sa mga natatanging G12 officers na nagsilbing haligi ng samahan. Ang kanilang dedikasyon, sipag, at walang sawang paglilingkod ay naging daan upang mapanatili ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa Wikang Filipino sa loob ng organisasyon. ๐Ÿ’ซ

Sa bawat programang naisakatuparan at bawat proyektong matagumpay na naidaos, napatunayan nila na ang pagiging lider ay hindi lamang nasusukat sa posisyon, kundi sa pusong handang maglingkod at magbigay inspirasyon sa iba. Sila ay naging ehemplo ng kahusayan, tiyaga, at tunay na malasakit sa kapwa miyembro ng samahan. ๐Ÿค

Habang sila ay humahakbang patungo sa panibagong yugto ng kanilang buhay, baon nila ang mga aral at karanasang hinubog ng samahan โ€” mga aral na tiyak na magsisilbing gabay sa kanilang mga susunod na tatahakin. Ang kanilang mga nagawa ay mananatiling inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng mga mag-aaral na patuloy na magpapaalab sa adhikain ng samahan.

Ang SamaFil ay taos-pusong bumabati at nagbibigay-pugay sa inyong tagumpay. Ang inyong dedikasyon at kontribusyon ay hindi malilimutan, at ang inyong pamana ay patuloy na mabubuhay sa bawat kasapi ng samahan. ๐Ÿฅ‡โœจ

Maraming Salamat sa pagbibigay ng Karangalan sa samahang ito. Ang tagumpay ninyo ay tagumpay rin namin.

Ikinararangal namin kayo ๐ŸคŽ

18/03/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ฎ๐˜€๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฌ๐˜ƒ๐—ผ๐—ป๐—ป๐—ฒ! โœจ

Bago matapos ang araw na ito, nais naming ipabatid ang aming taos-pusong pagbati saโ€™yo, Jasmine Yvonne, ang masipag at maaasahang Kalihim ng Samafil. Maraming salamat sa iyong kabaitan at pagiging maasikaso sa bawat gawainโ€”mula sa paggawa ng mga excuse letter, proposals, ACR, at minutes ng mga meeting, tunay mong ipinapakita ang iyong dedikasyon at husay. Dahil saโ€™yo, nagiging maayos at organisado ang ating samahan.

Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng lakas, talino, at tagumpay sa lahat ng iyong tinatahak. Hangad namin ang higit pang saya at magandang pagkakataon para saโ€™yo. Muli, maligayang kaarawan, Jasmine Yvonne! ๐ŸŽ‚โœจ

16/02/2026

Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SamaFil)
Taรณng Panuruan 2025โ€“2026

๐Ÿ“ธ: MNHS - Multimedia Team

15/02/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐— ! ๐ŸŽ‰

Isang taos-pusong pagbati para kay RM, isa sa mga aktibo at maaasahang miyembro ng SamaFil.

Sa loob ng dalawang taon mong pananatili sa samahan, kapansin-pansin ang iyong pagiging masipag, handang makiisa, at laging present sa mga gawain at programa ng organisasyon. Ang iyong aktibong pakikilahok ay malaking tulong sa pagpapatibay ng samahan at sa pag-abot ng mga layunin nito. ๐Ÿ’™

Maraming salamat sa iyong patuloy na suporta at dedikasyon. Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang iyong kaarawan, punรด ng pagpapala, tagumpay, at magagandang pagkakataon sa hinaharap.

Muli, Maligayang Kaarawan sa'yo RM!

15/02/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—š๐—ฒ๐—ป! ๐Ÿ“ฃ

Pagpupugay sa mabait, maaasahan, at minsan ay pilyong Public Information Officer ng SamaFil! Sa likod ng bawat malinaw na anunsyo, maayos na balita, at napapanahong impormasyon para sa mga mag-aaral, nariyan kaโ€”masinop, matiyaga, at laging handang tumulong. Ang iyong sigla at dedikasyon sa paglilingkod ay tunay na hinahangaan at nagbibigay-inspirasyon sa buong samahan. โœจ

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang iyong espesyal na arawโ€”punรด ng saya, pagpapala, at karapat-dapat na pahinga. Salamat sa iyong tapat na serbisyo, Gen! ๐Ÿ’™๐Ÿ“š (Happy Birthday daw sabi ni "J")

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐‘ฎ๐’†๐’!

Photos from MNHS SHS - SamaFil's post 13/02/2026

๐—™๐—˜๐—˜๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—™๐—˜๐—˜๐—Ÿ โ˜•

Nabihag ng amoy ng masarap na iced coffee ang panlasa at damdamin ng mga mag-aaral at g**o na bumili ng ๐‘ฒ๐’‚-๐’‡๐’†๐’†๐’-๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ngayong Araw ng mga Puso. Sa bawat kapeng inihain, dama ang tamang timpla ng tamis at lamig na lalong nagpasaya at nagpakulay sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Marami ang nasiyahan, nasarapan, at nagbahagi ng matatamis na papuriโ€”kayaโ€™t muli itong na-SOLD OUT!

Tunay ngang naging makabuluhan ang aktibidad na ito, laloโ€™t ito ang nagsilbing huling aktibidad ng SamaFil ngayong taon. Isang matamis na pagtatapos na puno ng pasasalamat, pagkakaibigan, at pusong Pilipino. โค๏ธโœจ

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐˜€๐—ผ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ-๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ!

12/02/2026

Tara, kape tayo! โ˜•

Ngayong Araw ng mga Puso, mas pinaigting at mas pinaramdam ang kapeng minahal noong Studentsโ€™ Day. Mula sa dating Kapelipino, ito ay mas pinasarap at mas pinasigla upang maging Ka-feel-ipino, isang kape na hindi lamang tumitimo sa panlasa kundi nagbibigay din ng kilig at saya sa bawat higop.

Kung ito ay na-miss ninyo noon, narito na ang inyong pagkakataon upang muling malasap ang paboritong timpla. Ang Ka-feel-ipino ay handang maghatid ng mas pinalakas na tamis at lamig na akmang-akma sa mga kwentuhan, tawanan, at makabuluhang sandali kasama ang mga taong mahalaga sa inyo.

Isama ang inyong barkada, matalik na kaibigan, o ang inyong โ€œspecial someoneโ€ at gawing mas makulay ang pagdiriwang ng pag-ibig. Sa bawat higop ng Ka-feel-ipino, tiyak ang saya, init ng samahan, at marahil ay isang matamis na pag-amin.

๐Ÿ“ MNHS Covered Court
๐Ÿ“… Pebrero 13, 2026

Kita-kits, mga Ka-Sama! ๐ŸคŽโœจ

15/01/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—๐—ผ๐˜€๐—ต๐˜‚๐—ฎ!

Maligayang kaarawan sa ating tagakuha ng mga larawan na laging may baong ngiti at biro. Ang pagiging palabiro at makulit mo ay madalas nagbibigay gaan sa samahan, habang ang pagiging matulungin mo ang dahilan kung bakit palagi kang maaasahan. Sa bawat kuhang larawan, hindi lang sandali ang iyong naitatala, kundi pati ang saya na bumubuo sa Samahan.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang iyong pagpasok sa bagong yugto ng buhayโ€”punรด ng magagandang alaala, bagong pagkakataon, at patuloy na tagumpay.

Muli, Maligayang Kaarawan Joshua!

31/12/2025

๐‘ต๐’‚๐’Œ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’Š๐’ ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐’‚ ๐’–๐’ƒ๐’‚๐’” ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’‰๐’‚๐’•? ๐Ÿ‡๐Ÿ˜„

Kung oo, sana natupad na agad ang wishes moโ€”lalo na ang mataas na grades, mas kaunting quizzes (char!), at mas mahabang bakasyon. Kung hindi pa, ayos lang โ€˜yanโ€”ang mahalaga, sabay-sabay nating sinalubong ang bagong taon na may ngiti, pag-asa, at higit sa lahat ay kasama ang pamilya at kaibigan.

Malugod na bumabati ang ๐™Ž๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ-๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค (๐™Ž๐™–๐™ข๐™–๐™›๐™ž๐™ก) ng isang ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง sa ating lahat. Nawaโ€™y sa panibagong taon na ito ay mas maging masigla ang ating katawan, malinaw ang isipan, at mas matibay ang loob sa pagharap sa mga hamon ng bagong taon.

Habang tayoโ€™y tumatahak sa panibagong yugto ng ating paglalakbay sa paaralan, nawaโ€™y mas manaig ang pagkakaisa, respeto, at malasakit sa isaโ€™t isa. Ang bagong taon ay panibagong pagkakataonโ€”para matuto, magbago, at mangarap nang mas mataas.

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข, ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ! ๐ŸŽ‰๐Ÿ“š

29/12/2025

Nakikiisa ang buong Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SamaFil) sa paggunita sa ika-129 na anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizalโ€”isang bayani na handang ialay ang sariling buhay alang-alang sa kalayaan ng isip at dangal ng sambayanang Pilipino. Sa kanyang panulat at talino, kanyang binuksan ang mga mata ng mamamayan sa katotohanan, katarungan, at pagmamahal sa bayan.

โ€œConsummatum est.โ€ (Naganap na.)
Ito ang mga salitang binitiwan ni Dr. Jose Rizal matapos siyang barilin noong Disyembre 30, 1896โ€”isang tahimik ngunit makapangyarihang pahayag ng pagtanggap sa sakripisyong inialay niya para sa bayan. Sa sandaling iyon, nagtapos man ang kanyang buhay, nagsimula naman ang mas malalim na kamalayan ng sambayanang Pilipino.

Hindi man siya humawak ng armas, ang kanyang mga isinulat ay nagsilbing sandata laban sa pang-aapi at kawalang-katarungan. Sa kabila ng panganib, pananakot, at kamatayan, pinili ni Rizal na ipaglaban ang bayan sa mapayapang paraanโ€”isang sakripisyong naging binhi ng kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Sa araw na ito, ating pahalagahan ang kanyang iniwang aral at pamana. Nawaโ€™y huwag nating sayangin ang kanyang sakripisyo sa pamamagitan ng pagiging walang malasakit sa bayan. Bilang kabataan, nawaโ€™y ipagpatuloy natin ang kanyang ipinaglabanโ€”ang bayaning may isip, may prinsipyo, at may tunay na pagmamahal sa Pilipinas.

โœ๏ธ&๐Ÿ’ป: G. Reymark S. Catorce

24/12/2025

Maligayang Pasko mga Ka-Sama! ๐ŸŽ„

Want your school to be the top-listed School/college in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Q283+V7H, El Camino Real, Meycauayan
Bulacan
3020