Bulacan Provincial Library
03/06/2026
BPL Flavor of the Month-Monthly Recognition
BPL User of the Month
May 2026
Izia Maniquis
Lungsod ng Malolos, Bulacan
Pagkakaloob ng Katibayan ng Pagpapahalaga bilang BPL User of the Month kay Bb. Izia Maniquis, mula sa Lungsod ng Malolos, Bulacan sa kaniyang pagtangkilik sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng Bulacan Provincial Library (BPL) sa pagtatamo ng pinakamadalas na paggamit nito sa buong Buwan ng Mayo 2026.
Ang BPL User of the Month ay isa sa mahalagang bahagi ng programang BPL Flavor of the Month-Monthly Recognition ng PHACTO-Bulacan Provincial Library.
Layunin nito na mai-promote ang BPL at mga serbisyong ipinagkakaloob nito lalo na sa mga kabataang Bulakenyo.
01/06/2026
BULACANIANA PROGRAM-MOHON: Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan Online Tampok
P
Puno, Eulalia
Tampok sa araw na ito si Eulalia Puno. Katipunera. Isinilang sa San Miguel, Bulacan. Ang pagkakatuklas ng Katipunan at ang pagputok ng himagsikan noong Agosto 1896 ang nagtulak sa mga sundalo at opisyal na Kastila na dakpin ang mga Pilipinong pinaghihinalaang mga rebelde at kalaban ng pamahalaan. Isa siya sa mga dinakip at ikinulong ng mga sundalong Kastila. Sinasabing ang parusang iginagawad sa mga kalalakihang nadakip ay gayun din ang iginagawad sa mga kababaihang nadakip. Matapos na siya ay dakpin, wala nang iba pang mahahalagang tala at balita ang naiugnay sa kanya.
Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN na isinulat ni Jaime Salvador Corpuz ay naglalaman ng tala ng mga tubo ng Bulacan o di-kaya mga โangking anak o adopted sonโ tulad ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kasama rin sa aklat ang mga indibidwal kung saan ang mga magulang ay tubo ng Bulacan at mga indibidwal na lumaki at nanirahan ng matagal sa Bulacan tulad ng Haponesang asawa ni Mariano Ponce na si Kiyo San o Okiyo Udangawa. Ang aklat ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na biographical dictionary sa Ingles.
Ito ay mayroong mga apendiks, mga indeks at bibliograpiya at binubuo ng 207 na pahina.
Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN ONLINE TAMPOK isa sa mahalagang bahagi ng inobatibong programa ng Bulacan Provincial Library (BPL) na Bulacaniana Program sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO). Layunin nito na magmulat at magbigay kaalaman sa mga dakilang anak ng Bulacan bawat araw na nakapaloob sa aklat na ito sa pamamagitan ng online na pagtatampok.
25/05/2026
๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐
๐๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ
BPL Clients of the Day
21 May 2026
Ilan sa mga kliyente ng Bulacan Provincial Library ngayong araw mula sa iba't ibang paaralan sa Bulacan.
Contact the organization
Website
Opening Hours
| Monday | 08:00 - 17:00 |