MDRRM Atok

MDRRM Atok

Share

05/07/2026

As of 2:00 AM today, 06 July 2026, a Super Typhoon with international name "BAVI" is being monitored OUTSIDE the Philippine Area of Responsibility (PAR).

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

05/07/2026

BAHAGYANG bumilis ang super typhoon na may international name na 'Bavi'.

Huli itong namataan sa layong 2,575 km sa silangan ng Southeastern Luzon, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 205 km/h at pagbugso na 250 km/h. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Sa pagtaya ng PAGASA, posible itong pumasok ng PAR sa gabi ng Martes o madaling araw ng Miyerkules at papangalanang Inday.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Charmagne Varilla, pagpasok ng bagyo sa PAR ay agad na magtataas ang weather bureau ng tropical cyclone wind signal sa northern at eastern section ng bansa.

Inaasahan ding palalakasin ng bagyo ang Habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Pinapayuhan ang lahat na maghanda at mag-antabay sa updates na ilalabas ng PAGASA.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Benguet?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Sayangan, Paoay, Atok
Benguet