Trending Now
21/11/2025
"Hindi 'yan mabubunyag": Gadon, iginiit na si PBBM ang naging susi sa paglantad ng korapsyon sa administrasyong Duterte
Naglabas ng matinding akusasyon si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon laban sa administrasyong Duterte, partikular sa umano’y anomalya sa mga flood control projects noong nakaraang termino.
Ayon kay Gadon, malawak umano ang naging korapsyon sa nasabing proyekto, at kung hindi dahil sa kasalukuyang pamunuan ay hindi ito lalabas sa publiko.
"Sobra-sobrang korapsyon ang ginawa ni Duterte. Diyan pa lang sa flood control projects—kung hindi pa dahil kay BBM, hindi ‘yan mabubunyag,” ani Gadon.
Binigyang-diin pa niya na ang pagpapa-imbestiga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga alegasyon ng iregularidad ay nagpapakita ng pagsisikap ng administrasyon na linisin ang sistema at papanagutin ang dapat managot.
Click here to claim your Sponsored Listing.
21/11/2025