Paulo Rashid Salcedo
09/06/2026
Announcement!!!
Magandang araw po, may hakot po ng basura bukas, June 10, 2026. Puwede po kayong magdala ng basura sa may malapit sa court bukas na po sana ng umaga para maiwasan ikalat ng ating nga alagang hayop, agahan na lamang po ang pagdadala para hindi maiwan. Sa SAKO po natin ilagay ang mga basurang dadalhin sa court.
Reminder po tanging residual waste lamang po ang hahakutin tulad ng diaper, plastic ng mga chitchirya, shampoo, mantika at iba pa.
P**i segregate narin po para siguradong madadala ng truck bukas.
Ang mga plastic bottles, lata, bote po ay hindi kasama sa hahakutin p**ilagay na lamang po sa muna MRS, separate po ang collection dito.
Magtulungan po tayo para mas maging malinis at ligtas ang ating barangay.
Salamat po sa inyong p**ikiisa upang mapanatili ang kalinisan sa ating barangay.
👋
28/05/2026
MALAKING PAGBATI AT PAGPUPUGAY!
Isang taos-pusong pagbati sa BCPC ng Brgy. Upli para sa matagumpay na pagsasagawa ng proyektong naglalayong paghusayin ang kakayahan sa pagbabasa, pagsusulat, at iba pang aspeto ng edukasyon ng mga mag-aaral sa Upli Elementary School! 🏫✏️
Ang gawaing ito ay matagumpay na pinamunuan ng mga BCPC CHILD REPRESENTATIVE na sina Liraj Fender Salcedo at Christ Nathan Padilla.
Labis din kaming nagpapasalamat sa p**ikipagtulungan at suporta ng lahat ng nakibahagi:
✅ SELG sa pamumuno ni Jade Nathalie Padilla
✅ Girl Scouts sa pamumuno ni Rhio Villegas
✅ Punong Barangay Hon. Jose Noel Dinglasan
✅ Kagawad Hon. Levina Mendoza
✅ Barangay Secretary Ana Alilio
✅ Buong Sangguniang Barangay ng Upli
✅ Mga dedikadong g**o ng UES sa pangunguna ni Ma'am Guiou
✅ At sa lahat ng masisipag na volunteers
Bilang pagdiriwang at pasasalamat sa tagumpay, nagsagawa kami ng masayang Boodle Fight kahapon kung saan sama-samang kumain at nagkasiyahan ang lahat! 🥳🍛
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagmamahal para sa kinabukasan ng ating mga kabataan! Ang inyong serbisyo ay malaking tulong sa paghubog ng kanilang kaalaman at kakayahan. 📖✨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4123