Looc Rural Health Unit
28/05/2026
π£ MAGKAKAROON NG PHILHEALTH YAKAP GRAND CARAVAN sa Looc RHU sa darating na June 3! π
β°8:00am - 5:00pm
πLooc Municipal Gymnasium
Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa at samantalahin ang pagkakataong maasikaso ang inyong PhilHealth membership, records, at iba pang kaugnay na serbisyo sa isang araw na puno ng tulong at malasakit para sa bawat mamamayan.
Upang maging mas mabilis at maayos ang proseso, mangyaring dalhin ang mga sumusunod:
βοΈ Birth Certificate
βοΈ Marriage Certificate (kung kasal)
βοΈ Valid ID
Hinihikayat ang lahat na maagang pumunta at siguraduhing kumpleto ang requirements upang maiwasan ang abala. Ang programang ito ay naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan at PhilHealth services sa ating komunidad.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo o makipag-ugnayan sa Looc RHU. Kita-kits po tayo sa June 3! ππ΅π
22/05/2026
Sa bawat sindi ng kandila, may kwento ng pag-ibig, pagkawala, at pag-asa. Ang RHU Looc ay buong pusong nakikiisa sa International AIDS Candlelight Memorialβpara sa alaala, laban, at kinabukasan na walang stigma.
Bukas ang aming tanggapan para sa HIV testing at counselling. Sama-sama sa pag-asa, kaalaman, at malasakit.
18/05/2026
π£Anunsyo mula sa Looc RHU!
Narito ang aming iskedyul ng mga serbisyong pangkalusugan ngayong linggo (May 18- May 21, 2026). π
π©Ί Lunes β General Medical Check-up
πΆ Martes β Pedia Medical Check-up
π€°π» Miyerkules β Buntis Day (RHU)
π©Ί Huwebes β Barangay Clean-up Drive: Ambil Tabao
π©Ί Biyernes β General Medical Check-up
π Paalala:
Available po ang mga sumusunod sa RHU
β
laboratory tests (CBC, UA, Crea, Uric etc)
β
Xray
Ifollow ang aming page : Looc Rural Health Unit para sa iba pang mga anunsiyo at aktibidad.
RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla. ποΈ
15/05/2026
ππ¬ππ¨ππ£ ππ£π ππ£ππ‘πͺππ£π―π-πππ π ππ‘π‘π£ππ¨π¨! π€§π©Ί
Dahil sa pabago-bagong panahon at pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar, mas tumataas ang panganib ng pagkalat ng mga sakit tulad ng Influenza-like Illness (ILI).
Mahalagang maging maingat at alamin ang mga paraan upang makaiwas sa pagkahawa. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon at mga hakbang na dapat gawin upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa sakit.
Ugaliing magsuot ng mask kung kinakailangan, maghugas ng kamay, umiwas sa matataong lugar kung may sintomas, at agad magpakonsulta kapag hindi maganda ang pakiramdam.
Ang pag-iingat ngayon ay proteksyon para sa kalusugan ng lahat. π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Occidental Mindoro
5111
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |