Project Luwad
Pagtuturo ng Kultura, Kasaysayan, Identidad at Wikang Filipino
Biennale di Venezia 2025
Philippine Science High School-Main Campus
National Commission for Culture and Arts
Filipino Community in Venezia Mestre-Terraferma
14/08/2025
Salamat sa pagkilala ng Deparment of Education sa pangunguna ni Sec. Angara. Isa pong karangalan na kilalanin ang Project Luwad para sa mga kabataang nasa Venice.
Para sa bata, para sa bayan!
12/08/2025
Project Luwad 2025: Araw ng Pagtatapos
Pagbati sa Unang Batch ng mga kabataang matagumpay na nagtapos. Mula sa isang buwan na pag-aaral ng wika, panitikan, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas, napatunayan natin na malayo man, malapit din. Ang proyekto ay magpapatuloy hangga't may mga kabataang imumulat sa lahing pinagmulan.
Hindi nagtatapos sa programa ang pagkilala sa ating pagka-Pilipino--- nawa'y maging katuwang ang bawat pamilya at komunidad sa nasimulang adhikain.
Maraming salamat sa The Filipino Community in Venice sa pangunguna ni President Joey Esteban. Salamat sa mga magulang na nagpagaan sa araw-araw na gawain. Pasasalamat sa parokya na naging lunan ng pagkatuto, kay Father Enrico at Father Nino. Sa mga kabataang naging ate at kuya ng mga mag-aaral.
Ikinatutuwa rin ng program ang pagbisita ng kinatawan mula sa Milan upang masaksihan ang nasabing programa. Ikinararangal din natin ang suporta ni Atty. Georgia de Biasi- Philippine Honorary Consulate in Venice. Malaking pasasalamat din sa opisina ni Senator Loren Legarda, NCCA, at Biennale sa tulong na rin ni G. Darwin Gutierrez.
Mula sa amin, mga g**o ng Project Luwad na sina Titser Lilibeth at Titser Efren, walang hanggang pasasalamat sa tiwala, pagmamahal, suporta, at pagtanggap. Tunay na ang Venezia ang tahanan namin! Hanggang sa susunod na Proyekto!
Narito ang buod ng apat na linggong Project Luwad. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa proyekto!
The Filipino Community in Venice
01/08/2025
Magkita-kita po tayo sa Araw ng Pagtatapos ng Project Luwad Batch 2025
31/07/2025
Huling Likhang Sining para sa Espesyal na Araw
29/07/2025
Sa aming nalalapit na pagtatapos, kami'y inyong samahan.
29/07/2025
Paghahanda sa Araw ng Pagtatapos.
Clicca qui per richiedere la tua inserzione sponsorizzata.
Contatta la scuola/università
Sito Web
Indirizzo
Venice
30172