Jazz Vlogs
“Ang lahat ng mabigat, kapag binitiwan mo… gumagaan.”
Hindi lahat ng sugat nakikita.
May mga babaeng araw-araw umiiyak sa tahimik na kwarto, nagpapanggap na okay kahit durog na durog na.
Yung tipong mahal na mahal mo pero ikaw naman ang unti-unting sinisira.
Sa una, akala mo pagmamahal pa rin.
Kasi nagsosorry naman.
Kasi may lambing pagkatapos ng pananakit.
Kasi umaasa kang magbabago pa.
Pero tandaan mo…
Kapag ang taong dapat nagbibigay sayo ng seguridad ay siya nang dahilan ng takot mo, hindi na pagmamahal ‘yan.
Hindi sukatan ng tibay ng babae ang pagtitiis.
Hindi mo kailangang manatili sa relasyon na araw-araw kang binabasag.
Hindi mo obligasyon iligtas ang taong paulit-ulit kang sinasaktan.
Sa lahat ng babaeng natatakot umalis…
naiintindihan kita.
Mahirap bumitaw lalo na kung mahal mo.
Pero minsan, ang pinaka-matapang na desisyon ay ang piliin ang sarili mo.
Mas okay ang mapagod kakabangon kaysa habang buhay kang umiiyak sa piling ng maling tao.
Mas okay ang mag-isa kaysa kasama mo nga siya pero wala ka nang kapayapaan.
Wag mong hintayin na umabot sa puntong mawala pati sarili mo.
Wag mong gawing normal ang pananakit dahil lang mahal mo.
Kasi ang totoong pagmamahal, hindi nananakit.
Hindi ka pinapaiyak gabi-gabi.
Hindi ka tinatakot.
At lalong hindi ka binubugbog.
Kung mabigat na…
bitawan mo.
Dahil may mga bagay na kailangang mawala para makabalik ka sa sarili mong halaga. 🤍
BABAE KA ! HINDI BABAE LANG !!!
07/04/2026
Ulam
Oh no😂😂
Click here to claim your Sponsored Listing.